May banat ang unkabogable star at komedyanteng si Vice Ganda sa It’s Showtime tungkol sa CEO na nagsimula raw sa ibaba at biglaang yumaman dahil sangkot pala sa Money Laundering.
Vice Ganda’s Money Laundering Joke sparks online speculation.
Sa isang episode ng It’s Showtime, napansin ni Vice ang isang candidate na may awra o datingan ng pagiging CEO, may usual life story na nagmula talaga sa baba o sa hirap at biglang umangat.
Ani Vice : “Si [candidate] number 2, parang ‘yung kayang maging CEO.. Sa pagsusumikap, sa loob ng dalawang taon, puputok ‘yung negosyo niya na glutathione. Pero sa third year, mahihinto na rin kasi malalamang money laundering. ‘Bakit ang yaman neto? Ang daming kotse ng CEO na ‘to!'”
Dagdag pa ng komedyante : “Ang kwento nya yung babang baba sa simula, tapos yung susunod na kwento nya, yung mataas na mataas na sya, ‘yung [sa] gitna [wala], kaya pala walang gitna, money laundering pala, tropa pala ni Zaldy Co.”
Hindi lingid sa marami na si Zaldy ay kasalukuyang pugante at nagtatago ngayon sa ibang bansa, siya ay ang former ‘Ako Bicol Partylist’ representative.
Kung ating babalikan, naging usap-usapan rin sa social media ang tungkol sa mga sikat na skincare CEO na sangkot raw sa money laundering at may koneksyon raw kay Zaldy.
Caption pa sa Reddit : “ZALDY CO, MAY KAUGNAY NA PINAY SKINCARE CEO SA MONEY ISSUE?!”
Rosmar Tan responds after netizens Tag her.
Sa naturang pasaring ni Vice, isa ang content creator at skincare brand owner na si Rosmar Tan ang kinuyog ng mga netizens sa comment section. Dito na naglabas ng pahayag ang negosyante.
Ani Rosmar : “Bakit naman ako pariringgan ni VICE GANDA? Puro kayo comment at tag sakin? Bakit ako? Bakit naman kayo ganun mag isip eh mag kaibigan kami. At saka hindi lang naman GLUTAAAA paninda ko. Mas marami akong panindang mabenta bukod sa Glutaaaa.”
Dagdag pa niya : “At ilang beses na din ako na shout out ni Vice sa showtime alam nyang KAGAYAKU SOAP ang kilala sa brand ko. Edi sana sinabi nyang soap.”




