
Anne Curtis sa basher : ‘Can proudly say I’m not retokada’.
Sinagot ng aktres at tv host na si Anne Curtis ang isang basher na tinawag siyang retokada o sumailalim sa retoke.
Kung ating babalikan, hindi lang ang komedyanteng si Vice Ganda ang nakatanggap ng pambabatikos matapos lumabas sa social media ang reels ng mga interview nila ni Anne na mula sa Preview Ball 2026.
Sa naturang panayam, mapapansin na hindi gaano kaganda ang lighting ng camera kaya nagmumukhang ‘cakey‘ ang mga makeup look nina Vice at Anne.
Tinawag pa si Vice ng mga netizens na mukhang nanggaling pa sa ataol dahil sa kapal ng makeup nito at tila mapapansin ang hindi kakinisan ng Unkabogable Star.
Anne Curtis sagot sa Basher : “I’m Not Retokada at All”.
Maging si Anne ay hindi nakaligtas sa batikos o pang-ookray ng mga netizens, agad naman na sinagot ng aktres ang isang komento matapos idamay na ang kanyang anak.
Ani ng basher : “Retokada yarn? Exhibit A – anak.”
Ang tinutukoy ng basher na ‘Exhibit A‘ ay ang look ng anak ni Anne na si Dahlia Amélie Heussaff, gusto nitong ipahiwatig na kung hindi nagpa-retoke ang aktres ay hindi magkalayo ang ‘facial features‘ nilang mag-ina.
Sagot naman ni Anne : “Can proudly say I’m not retokada at all and for me, for me lang naman, my daughter and I are both beautiful. I usually don’t give people like you the time of the day but wala lang.”
Dagdag pa niya : “I don’t know who hurt you or why you’re so angry with me but nonetheless sending you some kindness maybe you some in your life. Big virtual hug, I mean that, sincerely. Good night!”



