What does “Depende Kung 3 ’Yan” mean? The viral meme explained

Narinig mo na ba ang linyang “Hmm… depende kung 3 ’yan!”? Ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng viral joke na ito at bakit maraming netizens ang natatawa kahit minsan ay parang walang koneksiyon sa pinag-uusapan?
What does “Depende Kung 3 ’Yan” mean?
Nagsimula ang meme na ito sa mga videos ni JB Suarez, isang road awareness advocate na nakilala rin online dahil sa kaniyang mga reactions at comments tungkol sa traffic rules.
Ayon sa mga online discussions at meme references, naging bahagi ng kaniyang viral contents ang linyang “2+2 = 4… hmm, depende kung 3 ’yan!” na siyang nagbigay ng kakaibang humor sa expression.
Ang nakakatawa sa meme na ito ay hindi naman dahil may malalim na mathematical explanation ang sagot. Sa halip, nakasalalay ang humor nito sa pagiging random at sa hindi inaasahang sagot.
Why is the viral Filipino meme so funny?
Halimbawa, kung ang tanong ay “Magkano ang 2 plus 2?” at ang sagot ay “4,” normal lang iyon. Pero kapag biglang sinundan ng “Hmm… depende kung 3 ’yan,” nagiging absurd at nakalilito ang usapan.
Sa madaling salita, ang pagiging walang koneksiyon ng sagot sa tanong ang mismong punchline. Hindi kailangang magkaroon ng logical na paliwanag para gumana ang joke.
Minsan, mas nakakatawa pa nga dahil pilit itong inuunawa ng mga nakakarinig.
Does “Depende Kung 3 ’Yan” have a hidden meaning?
Ginagamit na rin ito ng ilang netizens bilang reaksyon sa mga tanong o sitwasyon na hindi naman talaga komplikado, pero ginagawang komplikado ng isang tao.
Sa ganitong paraan, nagiging inside joke ang expression at mas nakakatawa kapag alam ng magkakaibigan ang pinanggalingan nito.
Kaya kung hindi mo agad na-gets ang joke noong una mo itong narinig, normal lang iyon. Hindi lahat ng viral memes ay may komplikadong explanation.
Minsan, sapat nang marinig ang kakaibang delivery, maalala ang original clip at maintindihan kung bakit paulit-ulit itong ginagamit ng mga netizens.
Sa huli, ang “Depende kung 3 ’yan” ay isang halimbawa kung paano nagiging viral ang simpleng linya kapag sinamahan ng tamang delivery at internet culture.
Gaya ng maraming Pinoy memes, mas nagiging nakakatawa ito kapag ginagamit sa mga sitwasyong hindi naman talaga kailangan ng ganoong sagot.
