Kim Chiu, buntis na raw?

Buntis na raw ang aktres at tv-host na si Kim Chiu?

Usap-usapan sa social media na buntis na raw si Kim Chiu matapos mapansin ng mga netizens ang malaking tiyan niya o baby bump.

Ayon pa sa mga chismis, ang ama raw ng ipinagbubuntis ni Kim ay walang iba kundi ang kanyang on-screen partner o ka-loveteam na si Paulo Avelino.

Hindi lingid sa marami na ilang beses nang lumabas ang mga chika sa social media na buntis na ang tv-host at matagal na raw diumano silang ikinasal ni Paulo sa Amerika.

Chika pa sa Reddit : “Kim Chiu: Baby bump or busog lang? Siya kaya ang nasa BI na to? So last week I saw this blind item na ikinasal na raw ang isang aktor at aktres. Una kong naisip sila Sarah at Matteo but 2020 pa yon. Then Paulo recently opened a new business then I saw Kim’s recent ASAP clips.”

Pagpapatuloy pa sa chismis : “Ayon umiral ang pagiging marites 3 + 3 = baby. I’m probably wrong. This is not body shaming baka kasi angle lang, outfit or normal weight gain. Napaisip lang talaga ako. And yes, I know she danced. Pero remember, Anne Curtis also performed during Magpasikat while she was pregnant. So dancing alone doesn’t really confirm or rule anything out.”

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabing hindi na big deal kung buntis man o kasal na sina Kim at Paulo dahil pareho naman silang single at nasa tamang edad na.

Ani ng netizen : “Ayos lang yan, if buntis at nag-pakasal nga. Parehas naman silang single at nasa tamang edad. Hindi mukhang busog, mukha talagang [baby] bump eh pero either way, nasa edad na siya at kaya niya na bumuhay ng bata so congrats haha.”

Dagdag pa ng isa : “Para umumbok ng ganyan tyan baka nasa 4-5 months na syang preggy. I remember kimmy having toned abs kasi super active nya. Happy for her if true!!!”