Kim Chiu Shooting Incident : Could Lakam be the Suspect?

Quezon City, Philippines – Muling nabuhay at naging usap-usapan sa social media ang tungkol sa shooting incident na kinasangkutan ng aktres at tv host na si Kim Chiu noong March 4, 2020. Hula ng mga netizens na baka raw si Lakambini ‘Lakam’ ang suspect?

Kung ating babalikan December 2, 2025, kinasuhan ni Kim ang sarili niyang kapatid dahil sa kasong 124 counts of qualified theft. Inaresto naman si Lakam Linggo ng hapon noong September 20, 2026 sa isang parking lot sa Mandaluyong City.

Umaabot sa P44-million ang perang nawawala sa negosyo at hindi pa raw kasama rito ang personal na pera ng aktres. September 24 ng hapon, nakapag-pyansa si Lakam sa pamamagitan ng ‘surety bond’ na nagkakahalaga ng P5.6 million sa Quezon City Court.

Lakam possibly Linked to Kim Chiu’s 2020 Shooting Incident.

Matapos umingay sa social media ang issue ng magkapatid, may iilang netizens ang nagkomento na hindi posibleng sangkot si Lakam sa shooting incident na nangyari kay Kim. Maaari raw na nagawang pagplanohan nito ng hindi maganda ang sariling kapatid dahil sa pera.

Ani ng netizen : “yung pamamaril sa van ni kim possible ang nasa likod nito ay si lakam dahil walang kaaway si kim tapos bigla nalang nangyari ang ganun. cguro ayaw ni lakam mabisto ang paggasta niya ng pera kay inunahan niya ang kapatid pero hindi nagtagumpay.”

Dagdag pa ng isa : “So pwede si lakam ang mastermind nito shooting incedent. Yan Yung Plano ng Kapatid mo Sayo. Para makamkam nya ANG LAHAT ng Pera mo.”

Mas tumibay pa ang haka-haka ng mga netizens matapos lumantad ang isang personalidad sa social media na diumano’y may malaking pagkaka-utang raw sa kanya si Lakam.

Ang netizen ay may pangalan na Darling Smith, ibinahagi niya na hanggang sa ngayon ay hindi pa nagbabayad sa kanya si Lakam, maging ang masasamang plano raw nito sa sarili niyang kapatid na si Kim Chiu ay nasa kanya ang mga screenshot ng text messages.

Ani Darling : “Sobrang demonyo, ang dami nang naaa-grabyado ang dami nang nadidisturbo ng Lakam Chiu na ‘yan… nandito kasi kami sa business niya and she’s hiding.. ‘yung mga tao niya nandito parin.. ahm gutom na.. at tsaka hindi na si-sweldohan.. suppliers are not paid. The owner of the building is not paid, at ‘yun malaki nga ang nakuha sa amin..”

Dagdag pa niya : “Yeah..mas demonyo siya it’s because.. regarding sa incident na nangyari kay Kim Chiu sa sasakyan niya. sabi nila maybe that’s possible na you know siya parin.. you know.. We can’t comment on but then I have evidences of her text messages ng mga plano niya kay Kim Chiu .. sa kapatid niya.. grabe. ganun ka mag plano sa kapatid mo?”

Secret Link