
Lakambini Chiu regrets Kim saved her life during her coma.
Quezon City, Philippines – Hirap na hirap na raw si Lakambini ‘Lakam’ Chiu sa sitwasyon niya ngayon matapos siyang kasuhan ng kanyang kapatid na si Kim dahil sa kasong 124 counts of qualified theft.
September 24 ng hapon, nakakapag-pyansa na si Lakam sa pamamagitan ng ‘surety bond’ na nagkakahalaga ng P5.6 million sa Quezon City Court.
Lakambini Chiu : ‘Sana hindi nalang ako binuhay ni Kim’.
May hugot naman ang ate ni Kim Chiu na si Lakam na nakarating kay Ogie Diaz, ani ng talent manager na nabanggit raw ni Lakambini na sana ay pinabayaan nalang siya ng kanyang kapatid noong siya ay na-coma sa hospital ng 7 days taong 2023 kaysa ngayon na ginigipit na siya ng kapatid.
Ani Ogie : “Kasi di ba, kung matatandaan natin binuhay siya ni Kim Chiu, si Lakam. Nasambit iyon ni Lakam kasi ginigipit na siya or nagigipit na siya.”
Ano ang naging sakit ni Lakambini Chiu bakit siya na-coma?
Kung ating babalikan, ibinahagi ni Kim sa Youtube vlog ni Dra. Vicki Belo noong March 16, 2024 na muntikan nang mamatay si Lakam dahil sa sakit na bacterial meningitis.
Pitong araw na-comatose ang ate ni Kim sa ospital, pagbabahagi pa ng aktres na anytime raw ay pwedi nang pumanaw si Lakam noon.
Ani Kim : “Pinapapirma na ako na, anytime, puwede na itong mamatay. Gumuho yung mundo ko. Hindi ako nakapasok talaga sa work. Nahirapan ako..”
Pagpapatuloy pa ni Kim : “And then, nagkaroon na lang ng miracle one day.Sinabi ng doktor, ‘Ha? Okay na siya? Paano nangyari yon?’ Gumanun na lang talaga.”



