
Kim Chiu’s Siblings show Support amid Lakam Qualified Theft Case.
Nasa panig ni Kim ang dalawa niyang kapatid na sina Twinkle at John Paul matapos idinaan ng aktres sa legal na proseso ang money issue nilang dalawa ni Lakambini “Lakam” Chiu.
Matapos kasuhan ni Kim ang kanyang ate na si Lakam, naaresto ito noong September 20 at nakapag-pyansa noong September 24 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Maging sina Twinkle at John Paul ay nanawagan ng hustisya para sa kanilang kapatid na si Kim, sana raw ay managot talaga ang isa pa nilang kapatid na si Lakam.
Sa kanilang Instagram stories, parehong nirepost nina Twinkle at John Paul ang artcard na mula sa One Publicity PH na nag-hayag ng taos-pusong suporta para kay Kim at sa negosyo nitong House of Little Bunny Philippines, Inc.
Ayon sa artcard : “We stand with Ms. Kim Chiu and House of Little Bunny Philippines in protecting the company, its employees, and everyone who has worked hard to build the business.”
Dagdag pa : “May truth, justice, and accountability prevail as we continue to pray for Ms. Kim, the company, and everyone affected by this matter.”
Hindi lingid sa marami na si Kim at Lakam ay mag-business partners sa kanilang negosyo na “HOLB” o House of Little Bunny Philippines, Inc., ito rin ang business nila na nagkaroon ng serious financial discrepancies at nawalan ng halos higit kumulang P44-million.
Ito rin ang naging dahilan para kasuhan ni Kim ang ate niyang si Lakam ng 124 counts of qualified theft.



