Lakambini Chiu, hiling na magka-ayos pa sila ni Kim.

Naglabas ng isang official statement ang kampo o legal team ni Lakam o Lakambini matapos itong kasuhan ng kanyang kapatid na si Kim Chiu.

Kung ating babalikan, naging maingay sa social media ang tungkol sa hidwaan nina Lakam at Kim, dito na lumabas ang bali-balita na ang dahilan diumano ay ang nawawalang pera sa negosyo ng aktres.

Nagkaroon raw ng serious financial discrepancies sa isa nilang business ventures, kaya kahit na mabigat para kay Kim na kasuhan ang sariling kapatid ay gagawin raw niya ito para sa kanyang mga empleyado.

Ani Kim : “After careful consideration and months of internal review, I have made the difficult decision to file a legal case for qualified theft against my sister, Lakambini Chiu, in relation to serious financial discrepancies discovered within my business operations.”

Bahagi pa ng pahayag ni Kim : “This decision did not come easily. It is one of the most painful steps I have ever taken in my life.”

December 2, 2025, tuluyan nang nagsampa ng 124 counts of ‘Qualified Theft‘ case si Kim laban kay Lakam. Ayon sa mga ulat, umaabot sa P44-million ang perang nawawala sa negosyo ng aktres.

Sa pamamagitan naman ng legal team ni Lakam, naglabas ito ng pahayag tungkol sa kaso na isinampa sa kanya ng kanyang kapatid. Wish niya na sana raw ay darating ang araw na magka-ayos pa sila ni Kim.

Ani Atty. Dominic Solis : “Our client is saddened by her sister’s decision to pursue the case but remains hopeful that the matter can still be resolved amicably within the family.”

Dagdag pa niya : “She will address the charges through the proper legal process.”

Para raw kay Lakam, sobrang nalungkot raw siya na itinuloy talaga ni Kim ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

Share this article :