Lakambini Chiu, pinangalanan bilang ‘no. 6 most wanted’ ng QCPD.

Quezon City Philippines – Arestado si Lakambini “Lakam” Chiu ang kapatid ng aktres at tv host na si Kim dahil sa kasong 124 counts of qualified theft.

Kung ating babalikan, ang kasong ito ay isinampa mismo ni Kim Chiu laban sa kanyang sister na si Lakambini, matapos niyang madiskubre ang isang ‘serious financial discrepancies‘ sa kanyang negosyo.

Si Lakam ay inaresto sa isang parking lot sa Saint Francis St., Barangay Wack Wack, Mandaluyong City noong linggo ng hapon, September 20, 2026.

Nagkakahalaga naman sa P5,838,000 ang piyansa ng kapatid ni Kim para sa kanyang pansamantalang paglaya.

QCPD named Lakam as “No. 6 Most Wanted”.

Iniulat at inilarawan naman ng QCPD o Quezon City Police District si Lakambini bilang “the No. 6 Most Wanted Person of Kamuning Police Station“.

Ani ng QCPD : “Under the leadership of Police Brigadier General CHRISTOPHER OLAZO, arrested a 45-year-old businesswoman identified as the No. 6 Most Wanted Person of Kamuning Police Station (PS 10) during an intelligence-driven manhunt operation in Mandaluyong City.”

Hindi lingid sa marami na December 2, 2025 ay nagsampa ng kaso si Kim sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City. Matapos mapansin ng aktres na umaabot na sa P44-million ang perang nawawala sa kanyang negosyo na “House of Little Bunny Philippines, Inc.“.

Secret Link