Bakit umiyak si Ryan Bang dahil kay Yeng Constantino?
Biglang tumulo ang mga luha ni Ryan Bang matapos niyang sabihin na ang pagsama niya sa concert ni Yeng Constantino ay isang ‘best day of his life’.
Sa It’s Showtime episode, ibinahagi ni Vice Ganda kung bakit si Ryan ang isinama niya sa mismong concert ni Yeng. Ayon sa komedyante, gusto ni Ion Perez na marinig nang live sa concert ng singer ang kantang ‘Ikaw”.
Ngunit dahil hindi umabot si Ion sa saktong oras at hindi agad nakauwi mula sa Quezon dahil sa bagyo, nag-pasya si Vice na si Ryan nalang ang kanyang isasama.
Sa mismong 20th anniversary concert ni Yeng na ‘Biyaheng Bente’ sa Araneta Coliseum, nagkaroon ng nakakakilig na moment ang singer at si Ryan.
Nilapitan rin ni Yeng si Ryan at kinantahan ito ng kanyang 2008 hit song na ‘Sabihin Mo Na’ habang hawak nito ang kamay ng It’s Showtime host.
Sa bahagi ng concert ani Yeng : “‘Yung kay Ryan kasi, nangyari sa amin, seen zoned niya ako. Crush na crush kita nu’n. Sa sobrang gusto ko siya, basta pumunta ka lang sa restaurant akong bahala sa ‘yo kasi crush kita.”
Noong September 2 sa It’s Showtime, nagpasalamat si Ryan kay Vice dahil siya ang isinama ng komedyante sa concert ni Yeng, aniya : “Thank you Mommy, kasi sinama mo ‘ko sa concert ni Yeng. Na-flashback sa akin lahat”.
Dito na biglang tumulo ang mga luha ni Ryan at naitanong kay Vice kung darating pa ba ang panahon na makakahanap pa siya ng kagaya ni Yeng.
Ani Ryan : “Hindi kasi, sabi ko, makakahanap pa kaya ako… makakahanap kaya ako ng… siyempre, tulad ni Yeng na noong umpisa ako, wala akong pambayad ng date, wala ‘kong kotse, ‘di ba, wala akong pera, paulit-ulit yung damit ko, pero minahal… may chance pala ako sa kanya. Makakahanap kaya ako ng ganu’n?”
Malungkot na sagot ni Vice : “Hindi ka makakahanap, ikaw ang hahanapin ng pag-ibig. Kaya hindi mo kailangang maghanap. Love will find you. Just wait. We just wait. Don’t cry, as I told you, so many people appreciate and value you. We see you. Nakikita namin ang kagandahan ng puso mo at ang kapogian ng panlabas mong kaanyuan. Lalo na ngayon ang pogi-pogi mo.”




