
Vice Ganda Criticized after Copying Rene Baterbonia’s Pose on It’s Showtime
Umani ng pambabatikos ang komedyanteng si Vice Ganda matapos mapansin ng mga netizens ang paggaya nito sa life-sized tribute statue ng yumaong Ateneo basketball player na si Rene Baterbonia sa isang episode ng It’s Showtime.
Sa naturang noontime show, ginaya nina Vice at Vhong Navarro ang isang pose ni Rene na agad napansin ng mga viewers.
May mga netizens ang nagsasabing hindi magandang joke o biro ang ginawa nina Vice at Vhong dahilan para makatanggap sila ng samu’t-saring batikos sa social media.
Ani ng netizen : “Joke na hindi nakakatwa. Baka gusto din nila gawan sila ng rebulto ng sa ganon Meron din sila.”
Binigyang diin rin ng mga netizens na hindi nakakatawa at hindi nararapat na gayahin o gamitin bilang biro ang taong pumanaw na.
Mabilis at agad na kumalat ang mga screenshots at video clips mula sa naturang episode ng It’s Showtime. May mga komento pa na hindi nila nagustuhan ang ginawa ni Vice.
“Mga bastos talaga sayang lang pag hanga sa inyong dlawa artista grabi kayu walng reapeto.” Komento ng netizen.
May mga netizens din ang nagsabing baka bahagi lamang ito ng comedy segment sa It’s Showtime at hindi naman talagang intensyon nina Vice at Vhong na gayahin si Rene.
Kung ating babalikan, si Rene ay dating basketball player ng Ateneo de Davao University at Ateneo de Manila University. Pumanaw siya noong June 2026 sa Hermanos Leisure Farm and Surf Camp sa Dipaculao, Aurora.



