Sinupalpal ng content creator na si Rosmar Tan ang singer na si Daryl Ong at komedyanteng si Wacky Kiray matapos magpasaring ang dalawa sa social media laban sa vlogger.
Kung ating babalikan, nagbahagi ng isang job offer post si Rosmar sa social media dahil naghahanap siya ng performer para sa kanyang negosyo na ‘Pamu’s Food Ave’ sa Tagaytay.
Ani Rosmar : “Looking for performer sa Pamu’s Food Ave Tagaytay everyday kakanta.”
May isang banda na nag-message sa team ni Rosmar pero nagulat sila na P500 lang ang talent fee na offer sa kanila. Naka-highlight rin na may free food naman, from 4PM hanggang 12am raw ang schedule.
Daryl Ong at Wacky Kiray, sinupalpal si Rosmar Tan.
Nakarating naman kina Daryl Ong at Wacky Kiray ang naturang job offer ni Rosmar. Agad silang nagbahagi ng kani-kanilang social media posts online na tila banat sa negosyante.
Ani Daryl : “May job offer daw 500 – 8 hrs kakanta. Patulan ko yan basta 500 Dollars per song. Baka 3 hrs palang sila na umayaw.”
Chika ni Wacky : “waaaaahh Talaga ba? P500. 8 hours kang kakanta!! lika dito sa bahay shampoohan mo yung ulo ko 2500. tapos may free food ka may wifi may dessert. at may free massage with happy ending lol kalooooooka ka!”
Rosmar may sagot kina Daryl at Wacky.
Hindi pinalampas ni Rosmar ang mga patutsada na ito nina Daryl at Wacky sa social media, napansin rin ng vlogger na ang mga Facebook engagements raw ng dalawa ay tumaas noong ginawa na siyang content ng mga ito.
Ani Rosmar kay Daryl : “2.5M likes [ang page ni Daryl] ang likers 21pcs. Atleast naparanas ko ang [5.6k]likes sayo master sayang tinanggal ka na daw sa ABS CBN? Sad. kaw pa naman kumanta sakin nung na feature ako noon sa ASAP TLC. Last na pala un.”
Resbak ni Rosmar kay Wacky : “Grabe 500k followers [ni Wacky] pero nag post ang like wala pang 100 tapos nung ako ung content naka 25k likes agad. Pal is do [paldo] si kal is bo[kalbo].”
Rosmar nilinaw ang P500 talent fee.
Paglilinaw naman ni Rosmar na hindi aabot sa 8 hours ang pagkanta ng singer sa kanyang negosyo. Ang oras raw na nakasaad na 4PM to 12AM ay ang oras nang opening at closing ng Pamu’s Food Ave.
Ayon kay Rosmar, may mga performers nga raw na nag-ooffer na mag-busking sa negosyo niya kahit walang sahod. Pero iginiit nito na bibigyan pa rin sila ng minimum rate, free food, pati speaker at microphone.
Nilinaw rin niya na hindi na niya kailangan ng buong banda dahil okay na umano ang isang taong kakanta, sila na rin raw ang bahala sa mga gamit. May 100% tip box rin ang naturang performer.
Ibinahagi rin niya na may options ang performers para maging regular, may mga benefits, free food at accommodation. Dagdag pa ni Rosmar, walang pilitan at nasa performer pa rin ang desisyon kung tatanggapin ang offer.




