Rosmar Tan, iniintrigang sumailalim sa abortion.

Inakusahan si Rosmar Tan ng isang netizen tungkol sa abortion.

Matapos nakunan si Rosmar Tan sa kanyang baby no. 4, lumabas ang issue na diumano’y sumailalim ang content creator sa isang abortion.

Kung ating babalikan, ibinahagi ni Rosmar noong July 7 ang kanyang pagbubuntis sa kanyang 4th baby, August 1 kahapon ay malungkot na ibinahagi ng vlogger na hindi na natuloy ang kanyang pagbubuntis.

Ani Rosmar : “You were only here for a moment, but you will stay in my heart forever.”

Dagdag pa niya : “Di parin mag sink in sakin sinabi ng doctor. ‘Wala, Hindi na develop. Wala pong heartbeat’”.

May isang netizen ang mapangahas na nag-komento tungkol sa abortion diumano na ginawa ni Rosmar.

Ani ng netizen : “alam nyu may nakakita s kanila sa clinic sa Laguna alam mo ba sadya nila yan palaglag kase hindi pwede ituloy dahil sariwa, pa ung mga tahi nya tsaka nasa baba ung placenta nyan ng bayad dun s mga doctor para wag. ilabas ung totoong result papalabasin na nawala n Ing bigla.”

Agad sumagot si Rosmar at nilinaw na hindi totoo ang mga paratang na ito ng netizen laban sa kanya, tinawag pa niya itong fake news at walang katotohanan.

Ani Rosmar : “Hanggang kelan nyo ako gagawan ng fake news? Nananahimik ung tao sa dami ng issue na binabato nyo sakin araw araw. Na wala naman kayo mapakitang ebidensya. Meron pa na nag DT daw kami sa bata. Hanggang kelan nyo kami gagawing masama? Labas nyo ebidensya kung meron. Kung totoo.”

Dagdag pa niya : “Kahit buhay ko kaya ko alay sa mga anak ko. Bakit ko gagawin yan sinasabi nyo kung nakita nyo lang kung paano umiyak kanina asawa ko sa tyan ko. Nung sinabi ng doctor na “Wala” Walang heartbeat. Hindi nadevelop.”