Walang preno na sinagot ni Dennis Trillo ang aktres na si Gelli de Belen ng “
Pasalamat kayo,” matapos itong magbigay ng komento tungkol sa kasalukuyang issue nina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado.
Kung ating babalikan, naging usap-usapan sa social media ang guesting ni Gelli sa showbiz-oriented talk show na Chika Cart sa Good TeleVision o GTV ng GMA Network.
Dito na naitanong sa aktres ng mga hosts na sina Jeff Fernando, Baninay Bautista at Donita Nose kung ano ang opinyon niya sa issue ngayon nina Dennis, Patrick at Jennylyn.
Gelli de Belen may say sa Patrick-Jennylyn issue.
Para kay Gelli, mas kakampi siya sa mga bata dahil sila ang number 1 na apektado sa issue ng kanilang mga magulang.
Ani ng aktres : “Hindi kailangang maging ganito kalaki kasi the reason why this was brought up was because nasasaktan yung anak ni Patrick. Sana wag nating kalimutan na may mga batang pinag uusap at ‘yun naman sila talaga ang pinaka importante dahil yung mga magulang, mga nakakatanda, nakapagmove on na sila sa mga buhay nila. So sana let’s show the young ones what is right, what should be done, and not show them all this bad stuff.”
Sagot pa ni Gelli sa isang netizen : “Ang kampi ako, sa mga bata [Jazz and Michelle]. I just want to reiterate na everything I said is out of concern for the children, because the parents are okay, they’re fine, they’re thriving, they’re happy in their own relationships. They’re good to go. The kids, they have to deal with this.. Whatever is coming out, kung ano man ang sinasabi ng mga tao sa kanila… ‘yung mga bata ang magdadala niyan. ‘Yun ang hindi okay.”
Dagdag pa niya : “At least yung mga magulang, they can handle things, they know they’ve been through it. Happy na sila with their significant other, okay na sila. ‘Yung mga bata ang kawawa. Let’s try to be kind.”
Dennis Trillo sinagot si Gelli de Belen.
Agad na nakarating sa asawa ni Jennylyn na si Dennis ang naturang pahayag na ito ni Gelli at agad na sinagot ang aktres, maging ang mga hosts ng Chika Cart ay nakatikim rin mula sa aktor.
Ani Dennis : “nananahimik kami… lahat yan ay natural na reaksyon ng matinong TAO! Pasalamat kayo, dinaan ko nalang sa ganyan. Oo kawawa talaga mga bata, may mga anak din kami! Sisihin mo yung nagsimula ng gulo!”
May pahabol pang komento si Dennis, mukhang halata raw na mas kampi kay Patrick ang mga hosts ng Chika Cart sa GTV. Hindi lingid sa marami na contract stars rin ng Kapuso network sina Dennis at Jennylyn.
Ani Dennis : “Ako lang ba o parang may kinakampihan ang mga magagaling na ito? Congrats sa new show sa GTV!!! Bagay na bagay kayo jan. [mga tae]”
Tinawag rin ni Dennis na mga bobo ang mga hosts ng Chika Cart.
Aniya : “Agree lang ng agree ang mga #8080.”




