Dennis Trillo takes Jab at Coco Martin’s Sigabo over AI?

Tondo, Philippines – Tumaas ang kilay ng mga netizens dahil sa viral video ng aktor na si Dennis Trillo na mukhang may patama sa programa ni Coco Martin na Sigabo tungkol sa paggamit ng AI o Artificial Intelligence.

Hindi lingid sa marami na noong July sa episode 13 ng serye ni Coco na “Sigabo” ay maraming netizens ang nakapansin sa isang ‘wedding scene‘ na tila AI generated o gawa sa Artificial Intelligence ang materyal.

Ani ng netizen : “Using AI generated videos and air it on local television is disgusting. Kung wala nang budget at nagtitipid, ibigay ang slot sa iba. ’Wag niyo i-sacrifice ang quality ng materyal. Kaya ’di umuunlad ang creative industry ng Pinas dahil sa kagaganyan niyo eh.”

Dennis Trillo, may patama sa Sigabo ni Coco Martin.

Sa isang short clip na ipinost ni Dennis sa kanyang Facebook page, ibinahagi niya ang isang buwis-buhay na eksena habang nasa taping ng kanyang upcoming action-drama series na “Hari ng Tondo” sa GMA 7.

Caption ni Dennis : “Hindi pa USO ang AI sa Tundo!!! Music: “Freedom” by SHERNAN.”

Dito na pumalag ang mga netizens dahil mukhang pinuna ng aktor ang paggamit sa Sigabo ng AI para sa mga buwis -buhay na mga eksena.

Ani ng netizen : “I think it’s fair nmn sa pag gamit ng AI kung para nmn ito para maiwasan na mapahamak ang mga artista or stuntmen gaya ng nangyari kay EDDIE GARCIA na namatay sa taping ni GMA sa isang serye dba?”

Dagdag pa ng isa : “Sa sobrang ganda una pang mag wawakas kesa sa sigabo ahahahaha.”