Yassi Pressman linked to Julia Montes’ Jealousy remarks

Viral sa social media ang naging panayam ni Julia Montes kay DJ Chacha, dito kasi nila napag-usapan ang babaeng dikit nang dikit umano kay Coco Martin.
Hindi lingid sa marami na ilang dekada nang nagsasama sa iisang bahay ang aktres na si Julia at ang aktor-direktor na si Coco.
Julia Montes opens up about jealousy in her interview with DJ Chacha
Sa naturang interview with DJ Chacha, dito naitanong kay Julia kung may mga panahon ba na nagseselos siya sa mga katrabaho o ka-eksena ni Coco sa mga proyekto.
Tanong ni Chacha : “May na-confront ka na [ba] na medyo. girl? kalmahan mo work lang ‘to, may na ganun ka?”
Ayon kay Julia, sa umpisa raw ay medyo okay pa, pero noong naka-strike 3 na raw si girl ay hindi na niya ito kinausap. Chika pa ng aktres na kung pinapanood raw ito ng babae ay malalaman niya na siya ang tinutukoy nito.
Sagot ni Julia : “Hindi ko siya kinausap.. pero pinaramdam ko sa kanya, kasi? wala ng point para kausapin ko pa siya, excuse me?”
“Super warm ako, alam mo kapag okay ako sa’yo at tsaka hindi. So hindi rin ako plastik, hindi ako showbiz. Kapag hindi ako sa’yo, hindi kita papansinin,”
“Kasi sobra rin naman siya kumbaga sa strike three, sobra-sobra din naman.” Pagbabahagi ni Julia.
Netizens linked Yassi Pressman to Julia Montes’ remarks
Dito na kinonekta ng mga netizens si Yassi, sa forum site na Reddit halos pareho-pareho ang kanilang mga komento at tinutukoy nila ang aktres.
Ani ng mga netizens : “Saw this tiktok vid interview ni dj cha cha kay julia montes and according sa comsec si Yassi Pressman daw yung girl hahaha. Thoughts niyo dito?”
“Allegedly nagdala daw ng pagkain si yassi sa bahay ni coco w/o knowing julia was there.”
“Baka kasi hinaharot din ni coco si yassi sa set kasi kung hindi, ano point bat siya pumunta sa bahay nila hahaha.” dagdag pa ng isa.
Yassi and Coco’s history in FPJ’s Ang Probinsyano
Kung ating babalikan, matagal rin na nagsama sa isang proyekto sina Coco at Yassi, ito ay sa serye na FPJ’s Ang Probinsyano. Ang karakter ng aktres ay tumagal mula 2016 hanggang 2021 bilang si Alyana Arevalo-Dalisay (mismong love team ni Coco).
Dahil sa chemistry nilang dalawa sa naturang serye, tila na-issue na rin sila noon na nagkaroon sila ng romantic na relasyon sa totoong buhay na pareho nilang pinabulaanan.
Taong 2023, naglabas naman ng pahayag si Yassi na bukas siya na pumasok sa bagong serye ni Coco na Batang Quiapo.
Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag si Yassi Pressman kung siya ba talaga ang babae na tinutukoy sa panayam ni Julia Montes kay DJ Chacha.
