Dennis Trillo Reacts to Patrick Garcia over Jennylyn Mercado

Pumalag ang kapuso actor na si Dennis Trillo matapos ibahagi ng dating heartthrob na si Patrick Garcia ang tungkol sa past relationship nila ni Jennylyn Mercado.

Kung ating babalikan, September 29 naikwento ni Patrick sa Youtube program ni Ogie Diaz ang tungkol sa dating relasyon nila ni Jennylyn noong 2008 matapos ang 18 years.

Pagbabahagi pa ni Patrick, isang taon palang ang kanilang relasyon nang mabuntis si Jennylyn sa kanilang anak. Sabay pa raw nilang nalaman ang pagbubuntis ng aktres at kahit hindi ito planado ay handa raw niyang panagutan.

Gumulo lang raw ang kanilang relasyon dahil sa mga chismis at sa naging interview niya sa The Buzz dahilan para magtalo sina Patrick at Jennylyn at naging unresolved ang kanilang problema.

Kalaunan, sinabi ni Patrick na nalaman niyang may relasyon na si Jennylyn kay Andrei Felix. Doon na raw siya tuluyang bumitaw at tinanggap na maaaring hindi na sila magkabalikan.

Nilinaw rin ng aktor ang tungkol sa matagal nang chismis na iniwan niya si Jennylyn habang buntis. Aniya, hindi siya naging present sa pregnancy ng aktres hindi dahil ayaw niyang magpakita, kundi dahil, ayaw raw siyang makita ni Jennylyn noong mga panahong iyon.

Nagsalita na raw ang dating heartthrob dahil sa hindi matapos-tapos na bashing sa kanyang anak at patuloy na pambabatikos sa kaniyang pamilya for how many years.

Dennis Trillo pumalag kay Patrick Garcia.

Matapos ang naging panayam ni Patrick sa talent manager na si Ogie Diaz, pumalag si Dennis at nagbitaw ng sunod-sunod na mga cyrptic posts online.

Ani Dennis : “Hindi ako pabor sa bashing, pero salamat at naalala mo si Jazz dahil sa pag bash sa anak mo. o spread LOVE not Hate,”

Dagdag pa niya : “Wag maghugas ng kamay sa kanal,”