
Patrick Garcia Breaks Silence on Jennylyn Mercado Breakup.
Makalipas ang halos dalawang dekada o 18 years, nagsalita na ang aktor na si Patrick Garcia tungkol sa naging breakup nila ng aktres na si Jennylyn Mercado noon.
September 29, ibinahagi ni Patrick sa naging interview niya sa Youtube program ng talent manager na si Ogie Diaz ang tungkol sa naging kontrobersyal na hiwalayan nila noong 2008.
Ayon sa aktor, isang taon palang ang kanilang relasyon nang mabuntis si Jennylyn sa kanilang anak na si Alex Jazz. Sabay pa raw nilang nalaman ang pagbubuntis ng aktres at kahit hindi ito planado ay handa raw siyang harapin ang responsibilidad bilang ama.
Ani Patrick : “So when she got pregnant, we found out together. I bought test kits and then it was positive. So siyempre, nung nalaman naming positive, ako, medyo kabado. Medyo may halong takot kasi this was not planned, but [I was] ready to face it naman. So after that, sinabihan namin ‘yung family namin. I told my family; she told hers. After that, we told our managers. This was within the first month of her pregnancy. So after that, after telling our managers, I remember we went to St. Luke’s para magpa-ultrasound. And then, ‘yun nga, buntis nga siya.”
Matapos nito ay naging magulo raw ang relasyon nilang dalawa matapos kumalat ang iba’t ibang tsismis tungkol sa pagbubuntis ni Jennylyn.
Ani Patrick : “Medyo naging magulo. This is entering the second month of her pregnancy. Medyo naging magulo kasi after announcing, ang raming tsismis. Kesyo, hindi raw sa akin. Kesyo nakita daw si Jen sa condo ng aktor, or I think mayroon din kay politician. Marami, you know how showbiz is. But to be fair, hindi ko nakita yung mismong write-up.”
Lalo raw naging magulo matapos siyang ma-interview sa The Buzz at tanungin tungkol sa hypothetical situation kung paano siya magre-react kung sakaling hindi sa kanya ang bata.
Pagpapatuloy ng aktor : “Sabi [nung host], ‘Pat, it’s just a hypothetical question. Anong gagawin mo kung sakaling malaman mo na hindi pala sa iyo yung dinadala ni Jen?’ So, para sa akin, para lang matapos yung interview, sinagot ko. Sabi ko, ‘Mamahalin ko pa rin at tatanggapin yung bata kahit na hindi akin.’ Ayun yung naging sagot ko doon sa question na yun para matapos na. So that was aired for sure on a Sunday, The Buzz, and then hindi ko siya napanood. I don’t know how it was edited. Basta, yun ang naging interview.”
Gayunpaman, nauwi raw ito sa pagtatalo nila ng aktres at naging unresolved ang kanilang problema. Kalaunan, sinabi ni Patrick na nalaman niyang may relasyon na si Jennylyn kay Andrei Felix. Doon na raw siya tuluyang bumitaw at tinanggap na maaaring hindi na sila magkabalikan.
Patrick Garcia hindi raw iniwan si Jennylyn Mercado habang buntis.
May paglilinaw naman si Patrick tungkol sa matagal nang paratang sa kanya na iniwan niya si Jennylyn habang buntis. Ayon sa aktor, hindi siya naging present sa pregnancy ni Jennylyn hindi dahil ayaw niyang tumulong, kundi dahil, ayaw raw siyang makita ni Jennylyn noong mga panahong iyon.
Ayon sa aktor, matagal na niyang pinili na manahimik nalang tungkol sa issue. Pero dahil patuloy pa rin daw siyang bina-bash, pati ang kanyang pamilya at anak na si Michelle, nagdesisyon na siyang ibahagi ang kanyang side matapos ang 18 years.
