
Xian Gaza to Patrick Garcia : “Hindi ka masamang tao”
Nakisali na ang pambansang marites na si Xian Gaza sa issue na kinakaharap ngayon nina Patrick Garcia, Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.
Hindi lingid sa marami na umingay at muling nabuhay ang tungkol sa “past relationship” ng aktor na si Patrick sa aktres na si Jennylyn matapos ang kanyang interview kay Ogie Diaz noong September 29.
Dito na ibinahagi ni Patrick na hindi raw niya iniwan ang aktres bagkus si Jennylyn raw mismo ang ayaw siyang makasama o makita habang ito ay buntis sa kanilang panganay na anak.
Isang taon palang ang kanilang relasyon nang nagbuntis ang aktres kay Alex Jazz. Sabay pa raw nilang nalaman ang pagbubuntis ni Jennylyn at kahit hindi ito planado ay handa raw niyang panagutan.
Ani Patrick : “Hindi ko iniwanan si Jen. And sa ibang mga bashers na nagsasabi na I was never there for Jen sa pregnancy niya, that’s true. I was never there for Jen during her pregnancy, not because I didn’t want to be there, but because she didn’t want me to be there.”
Dagdag pa niya : “So, ayun ang totoo. That’s my story. This is the story I’ve been holding for 18 years na hindi ko sinasabi kasi, you know, baka makalimutan na lang. Baka, you know, move on na.”
Xian Gaza, may say kay Patrick Garcia.
May mahabang social media post naman si Xian tungkol kay Patrick at sinabi nitong hindi masamang tao ang dating heartthrob. Ang tanging pagkakamali lang raw ng aktor ay hindi siya gumamit ng condom sa mga panahong ‘yon.
Ani Xian : “Nasa peak ng career si Jennylyn tapos binuntis mo, ano ine-expect mo? Mag-celebrate sila? Syempre galit na galit buong pamilya no’n at tinaboy-taboy yung lalaki na sumira sa buhay ni Jennylyn.”
Pagpapatuloy pa ni Xian : “Hindi ka masamang tao, Patrick, pero masama yung ginawa mo. Pinutok mo sa loob. Hindi ka nag-condom. Maling-mali ‘yon and masamang tao ka for doing that.”



