
Meet Alex Jazz, Son of Patrick Garcia and Jennylyn Mercado
Muling umingay at pinag-usapan sa social media ang dating relasyon ng aktor na si Patrick Garcia sa aktres na si Jennylyn Mercado matapos naungkat ang kanilang nakaraan hanggang sa pagsilang ng kanilang anak na si Alex Jazz.
Sa Youtube interview ni Ogie Diaz, ibinahagi ni Patrick ang tungkol sa naging takbo ng relasyon nila ni Jennylyn noong 2008. Ayon pa sa aktor na isang taon pa lang ang kanilang relasyon nang malaman nila na buntis na si Jennylyn.
Patrick Garcia, ikinuwento ang pagbubuntis ni Jennylyn.
Ayon sa aktor, sabay nilang nalaman ang pagbubuntis ni Jennylyn matapos silang gumamit ng pregnancy test. Agad rin silang pumunta sa St. Luke’s Medical Center para makumpirma ang pagbubuntis ng aktres.
Hindi umano planado ang pagbubuntis ng aktres ngunit handa raw siyang harapin ang responsibilidad bilang ama. Naging kumplikado raw ang kanilang relasyon habang tumatagal ang pagbubuntis ni Jen.
Kumalat kasi ang iba’t ibang chismis tungkol sa kanilang relasyon, may mga ulat pa na hindi raw si Patrick ang ama ng batang dinadala ng aktres, lalo umanong nagdagdagan ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.
Sino si Alex Jazz? ang anak nina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado.
Si Alex Jazz ang bunga sa pagmamahalan noon nina Patrick at Jennylyn. Matapos kasi ang kanilang hiwalayan, parehong nagpatuloy ang kanilang mga buhay habang nananatiling bahagi ng kanilang kwento ang kanilang anak.
Ipinanganak si Alex noong August 16, 2008, ilang buwan lang matapos kumpirmahin nina Patrick at Jennylyn ang pagbubuntis ng aktres noong January 2008.
Tuluyang nagkahiwalay naman sina Patrick at Jennylyn noong February 2008.
Noong August 2026, nag-celebrate si Jazz ng kanyang 18th birthday. Ibinahagi naman ni Jennylyn ang kanilang mga family photos kasama ang kanyang asawa na si Dennis Trillo mula sa masayang kaarawan ng kanyang panganay na anak.
Tinawag pa ni Jennylyn si Jazz na kanyang “forever baby boy” at sinabi niyang grateful sila sa tawanan at sa pagmamahal na dulot ng kanyang anak.
Caption ng aktres : “Happy 18th birthday, Kuya Jazzy! Forever my baby boy, thank you for the laughter, the love, and the light you bring into our lives. We are so grateful for you, and we love you more than words can ever say. Always and always, you’ll be my heart.”
Sa isang media event noong August 2026, ikinuwento naman ni Jennylyn kung gaano pa rin ka-loving at sweet si Jazz kahit 18 na ito. Sinabi niyang mula baby hanggang ngayon ay nananatili itong malambing sa kanya.



