Ogie Diaz ipinagtanggol si Vice Ganda, ‘Dapat mas makinis kayo!’.

Manila Philippines – Ipinagtanggol ni Ogie Diaz ang Unkabogable Star na si Vice Ganda laban sa mga taong umokray sa Preview 2026 “cakey makeup look” ng komedyante.

Kung ating babalikan, nag-viral sa social media ang reel video ni Vice na tila naka-focus sa pores niya ang cameraman, dito na napansin ng mga netizens ang hindi kakinisan na skin texture ng komedyante.

Komento pa ng netizen : “Hala, bakit nagmukhang buhay na bangkay si Vice dito? Grabe naman yung angle at lighting!”

Agad naman na nakarating kay Vice ang mga pang-ookray ng netizens sa kanyang mukha at nagbigay ng kanyang opinyon sa isang episode ng It’s Showtime.

Ani Vice : “Na para bang kasalanan ng makeup artist?? na kasalanan ko ngayon. Kahit anong paganda mo, bababuyin ka rin naman sa TikTok, papaganda ka pa? Sa mga nasa TikTok, congratulations! ang gaganda niyo…”

Ogie Diaz Defends Vice Ganda.

Sa pamamagitan ng Youtube vlog ni Ogie, nagawa niyang ipagtanggol ang dati niyang alaga na si Vice laban sa mga nanlalait at nang-ookray sa social media.

Pagtanggol pa ni Ogie : “Ang nakakalungkot dito, ‘yung mas madaling mang-nega, kaysa magsalita ng hindi nakakasakit ng damdamin. Kapag umookray kayo ng ganoong face, dapat mas makinis kayo.”

Dagdag pa niya : “Kailangan natin pangaralan ang mga tao na maghunos-dili kayo sa kaka-comment, lalo na kung wala naman kayong nararating sa buhay.”

Secret Link