Gelli de Belen on Dennis and Patrick issue : “Wala akong kinampihan”

Malungkot at emosyonal na nagsalita ang aktres at host na si Gelli de Belen dahil sa pambabatikos sa kanya ng mga netizens tungkol sa naging opinyon niya sa issue nina Dennis Trillo, Patrick Garcia at Jennylyn Mercado.

Kung ating babalikan, naging usap-usapan sa social media ang naging guesting ni Gelli sa showbiz-oriented talk show na Chika Cart sa Good TeleVision o GTV ng GMA Network.

Dito na napansin ni Dennis na mukhang mas kumakampi pa ang mga hosts at si Gelli kay Patrick.

Ani Dennis : “Ako lang ba o parang may kinakampihan ang mga magagaling na ito? Congrats sa new show sa GTV!!! Bagay na bagay kayo jan. [mga tae]”

Ang komento na ito ni Dennis ay naging dahilan upang makatanggap ng samu’t-saring pambabatikos si Gelli online.

Gelli de Belen clarifies she did not take sides

Paglilinaw ng kapatid ni Janice de Belen, wala raw siyang kinampihan o kinakampihan sa dalawang party at wala siyang masamang intensyon sa naging opinyon niya tungkol sa isyu.

Ani Gelli : “ang context ko nito, eh yung reaction ng mga tao na talagang galit na and all that. So natural, may mga batang involved. Mind you, hindi naman po talaga ako kasali doon sa issue. Nagkataon lang na may pino-promote ako. Yun ang issue, sinagot ko po. At ang pinaka-focus ko lang talaga doon is the children.”

Dagdag pa niya : “Wala po akong kinakampihan or kinampihan, even on that very day at that very time. And even at this point in time, feeling ko naman wala namang masama na maging concerned tayo sa magiging effect nito sa mga bata. ‘Yun ang pinaka-goal ko lang. I do not have ill will towards anybody. I know I meant well.”