Net worth ni Rosmar Tan, kailangan raw imbestigahan?

Pumalag si Rosemarie Peñamora Tan-Pamulaklakin also known as Rosmar Tan sa social media matapos manawagan ang mga netizens na kailangan isailalim sa imbestigasyon ang net worth niya o mga ari-arian.

Hindi lingid sa marami na milyones ang kinikita ni Rosmar dahil sa kanyang Skincare brand online, isinulat na rin ng Pep.ph ang artikulong ito noong November 8, 2023.

Chika pa ni Rosmar, habang nasa kalakasan ng kanyang negosyo ay kumikita siya around P10-million to P13-million per day.

Pagbabahagi niya : “Nung may time po na kasagsagan ng sobrang-sobrang lakas po, pumapalo po minsan ng 13M.. 10M to 13M. Pero kasama na po yung puhunan.”

Dagdag pa ni Rosmar : “Una po naming nabili nung mag-asawa po kami is yung sa Calauan, Laguna. One hectare po yun. Dahil nasa Laguna po kami, bumili po kami nun ng mga resort. Meron po akong dalawa sa Pansol, sa Batangas.. tapos napasarap po ako sa Tagaytay. Wala po akong utang Kung hindi ko kayang bilhin, hindi ko po bibilhin. Kung kaya kong bilhin na may matitira pa sa akin, bibilhin ko.”

Kung ating babalikan, kumalat sa X o dating Twitter ang post tungkol sa kayamanan ni Rosmar. Malaking katanungan sa netizens kung malinis ba talaga o mula sa laundry shop [Money Laundering] ang pera na pumapasok sa bank accounts ni Tan.

Ani sa post : “Hindi ba natuto itong Rosmar na ito sa mga Discaya at Korina at Julius? ₱13M a day plus luxury cars, etc? At this day and age, ano bang business yang kumikita ng ₱13M a day,  other than flood control fund scam? Is this going to be another case of “if-you-have-it-flaunt-it” gone bad?”

Agad na nakarating kay Rosmar ang naturang post at sinagot niya ito gamit ang kanyang official Facebook page.

Sagot niya : “Dapat daw ako imbestigahan kasi daw ang dami naming napundar? HAHAHA porket di nyo kaya? Tapos kaya namin? Impossible na agad? – Wala kayong mapapatunayan dahil malinis kami HAHA papasikatin nyo lang ako lalo.”

Dagdag pa ni Rosmar : “Umagang umaga pinatatawa nyo ako HAHAHHAHA di nyo kasi kaya ang kasipagan ko. Kaya tamang aw aw nalang sila..”

Share this article :