Rosmar Tan DNA Test : Three Children Tested amid Paternity issue.

Calabarzon, Philippines – Pinatunayan ng business woman na si Rosmar Tan na wala siyang tinatagong “dirty laundry” matapos nitong pinalagan ang hamon ng mga bashers na ipa-DNA test ang mga anak nila ni Jerome Pamulaklakin.

Hindi lingid sa marami na matagal nang nakadikit sa pangalan ni Rosmar ang issue tungkol sa panganay niyang anak. Inaakusahan kasi siya ng mga netizens na si Nathalie diumano’y anak ng content creator sa dati niyang kasintahan at hindi kay Jerome.

Sa kasalukuyan, may tatlong anak si Rosmar at mukhang hindi na ito madadagdagan pa matapos sumailalim si Jerome sa isang vasectomy session ngayong buwan.

Ani Rosmar : “Actually ako gusto ko apat kasi apat kaming magkakapatid. Sayang di nabuo ung last. Talagang tatlo lang. Nathalie, Nathalia at Nathaniel.”

Rosmar Tan, pina-DNA test ang tatlong anak.

Para matapos na ang issue, agad na sumailalim sa DNA test ang buong pamilya ni Rosmar upang patunayan na si Jerome talaga ang biological father ng tatlo niyang mga anak.

Ani Rosmar : “Sorry mga anak ko kasi nadadamay kayo sa magulong online world. Pati kayo nahuhusgahan ng mga tao. Actually ayaw ng asawa ko noon ko pa sya inaaya. Para kamo tumigil mga basheeers. Na ayaw tumigil kasi pilit kinokonek sa ex ko ang panganay ko. Sabi nya di na daw kelangan hayaan daw mga basheeers , di na daw kelangan. Wag na daw. Kasi alam naman nya na simula nung naging kami never na kami nag kita o nag kausap pa ng ex ko. At mas lalong never dumating ang isang araw na di kami mag kasama simula ng mag live in kami.”

Dagdag pa niya : “Di ako takot ipa DNA lahat ng anak ko kasi sure akong asawa ko ang tatay nilang lahat. Wala din naman masama mag pa dna test para sa mga nanay or tatay na may dahilan kung bakit or may pa dududa. Ayan sana happy na lahat ng mga basheeers ko lalo na mga basheeers ng anak ko. Intayin nyo ang result. Popost ko mismo para matigil na yang pag iimbento nyo.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa available ang DNA test results na isinagawa nina Rosmar at Jerome.