Menu
Rosmar Tan, nakunan.

Nakunan si Rosmar Tan.
Malungkot na ibinahagi ng content creator at negosyanteng si Rosmar Tan sa kanyang mga followers na nakunan siya sa kanyang fourth baby.
Kung ating babalikan, ibinahagi ni Rosmar noong July 7 na may panibagong blessing ang ibinigay sa kanila ng panginoon at ito ang kanyang 4th child.
Ani Rosmar : “Confirmed na. Kapit ka lang dyan ha? Lovelove ka ni mommy at daddy. Nag ka PCOS ako nung bago ako mabuntis kay NATHANIEL (3rd baby namin) Tapos nawala ung PCOS ko ang ininom ko lang naman nun ay ROSMAR KAGAYAKU CAPSULE.”
Dagdag pa niya : “Then nabuntis nga at nanganak. At after ko manganak nag ROSMAR KAGAYAKU CAPSULE ulit ako. Ayun nabuntis na naman 4th baby. GRABE KA NA ROSMAR KAGAYAKU CAPSULE.”
Ngunit ngayong araw, malungkot na ibinahagi ng vlogger na hindi na natuloy ang kanyang pagbubuntis at nagbigay naman siya ng assurance sa kanyang mga fans na magiging okay rin siya.
Ani Rosmar : “You were only here for a moment, but you will stay in my heart forever.”
Dagdag pa niya : “Okay lang ako ano ba kayo alam nyo namang strong to.”
Marami naman sa mga netizens at fans ni Tan ang nagpa-abot ng kanilang pakikiramay sa vlogger.
Anila : “it’s okay, maybe hindi talaga para sinyo yan, may mas magandang plano si Lord Rosemarie Tan Pamulaklakin.”
“Ok lng yan mie sabi nga kapag my nawala my dadating mabilis ka lang naman mabuntis kaya pwede ka ulit mag buntis pahinga mo lang muna sarili mo iwasan mo kc ma, stressed.”
Dagdag pa ng isa : “Siguro dahil din po sa stress yan. wag na kayo magpapadala sa mga basher ma’am tsaka pahinga din po.”



