Menu
Janice, nagsalita na sa Inah de Belen at Rosmar Tan issue.

Inamin ni Janice de Belen na pinag-sabihan niya si Inah tungkol sa issue nito kay Rosmar Tan.
Sa naging panayam ng aktres na si Janice de Belen kay Boy Abunda, napag-usapan nila ang tungkol sa issue nina Inah at Rosmar Tan.
Kung ating babalikan, malaking ingay ang naging bardagulan nina Inah at Rosmar sa social media, nag-simula ito matapos tawaging ‘ew’ ng aktres ang vlogger.
Agad naman na sumagot si Rosmar na naging dahilan upang mas humaba pa ang isyu, dito na nadamay ang mga mahal sa buhay ni Inah.
Ani Rosmar : “Kung maka ‘ew’ ka naman sakin at di nya daw ako kilala. Nahiya naman ako sayo filipina actress nakalagay pero di din naman kita kilala. Mas maraming beses pa ata ako lumabas sa tv kesa sayo ante. Kung maka ew wagas inaano ka?”
Maging ang comment section ni Janice sa social media ay inulan na rin ng pambabatikos mula sa mga fans ng vlogger.
Sa latest interview ni Janice, dito niya ibinahagi na nagawa niyang pagsabihan si Inah dahil sa isyu. Binigyan niya rin ito ng payo na sana next time ay mag-ingat na.
Chika pa ni Janice : “I cannot make involved, I’m a mom. I called her, I immediately told her what was wrong tapos quiet na ako.. basta nasabi ko na. Quiet na ako kasi I have to leave you to think about it. Ikaw na ‘yan and when we saw each other after ko siya sinabihan I never said anything, I did not talk to her about the issue, nothing.”
Dagdag pa niya : “And when it’s over recently lang, sabi ko sa kanya, ‘Oh see, tapos na, pwede ba, please? Ingat din! Oh ‘di ba?’ Hindi na ako nagbibigay ng mahabang sermon maikli na lang.”



