Xyriel Manabat, binastos ng Grab TNVS driver.

Hindi palalampasin ni Xyriel Manabat ang TNVS driver na nambastos sa kanya.

Usap-usapan sa social media ang pambabastos ng isang TNVS o Grab driver sa aktres at dating child star na si Xyriel Manabat.

Sa pagbabahagi ni Xyriel, April 7 nagawa niyang sumakay at mag-booked sa isang ride hailing app na Grab papunta sa kanyang trabaho o taping.

Bago pa man siya bumaba sa lokasyon ng drop off, nag-request raw sa kanya ang driver na makipag-selfie sa aktres.

Dito na nagulat si Xyriel dahil sa selfie nilang dalawa na ibinahagi sa social media ay may kalakip na bastos na caption at mga komento mula sa TNVS driver.

Sa caption ng driver : “nagulat ako nagpapicture sa akin. xyrill manabat: kuya picture tayo bago ako bumaba. ako: sure maam wag mo lang ibenta picture ko. ang LAKI [ng dibdib] ng bata na yan.”

Sinundan pa ng komento na : “Jakol”

Agad naman na nagsalita si Xyriel at nanawagan siya sa Grab PH na gawan ng aksyon ang nangyaring pambabastos sa kanya ng naturang driver.

Ani Xyriel : “And at the same time, I hope the platform or the app should do something about this because it’s not petty. It’s not something na any woman or anyone, not just women, should experience on a daily basis. You’re just being kind. You’re just being a human, a decent human being. And you’ll get this in return.”

Dagdag pa niya : “Maayos ko siyang kinausap. As far as I could remember, ang bait-bait ko sa kanya. Nag-tip pa nga ata ako kasi nahiya ako pag may pinaghihintay akong tao. So, wow. I hope na your family, your mom, your sister, or worse, if you have a daughter, your wife, di ba, parang, sana makita nila ito. Sana makita nila na ganyang klase kang tao.”