Grab driver na binastos si Xyriel Manabat, nagpa-tiwakal?

Hindi pa tapos ang issue ng Grab driver kay Xyriel Manabat.

Usap-usapan sa Reddit ang Grab driver na nambastos kay Xyriel Manabat matapos itong mag-tangka na bawiin ang sariling buhay.

Caption pa sa Reddit : “Grab PH driver attempted suicide on FB live.”

Dagdag pa : “Nagreactivate ng FB yung Grab driver na nagpost ng kamanyakan kay Xyriel Manabat tapos nag-live with matching upuan and lubid sa likod. Sa live, inaayos niya na yung tali then biglang dumating yung asawa ang pinigilan siya tapos umiiyak then end live. Before mag-live nag post din sya account niya.”

Bahagi pa ng usap-usapan : “Gagawa ka ng kalokohan tapos ngayon gagamitan mo kami ng suicide card. Tapang tapang ng asawa mo nung cinall out ah. Ngayon iiyak iiyak. LOL. Kwento nung source, lagi daw talaga ganyan mga post nyan. Puro mga kagaguhan. Isip isip muna kasi bago magpost. Sobrang komportable niyo na sa social media di niyo na pinagiisipan mga pinopost niyo. Dasurv ng lahat ng mga manyak ang karmahin!!”

Sa social media account ng Grab driver, ibinahagi niya sa isang post na kung ang buhay raw niya ang kapalit para tumahimik na ang bumabatikos sa kanila ay gagawin raw niya ang nararapat.

Ani ng Grab driver : “KUNG BUHAY KO PO ANG TANGING KABAYARAN PARA TUMAHIMIK AT TIGILAN KAMI AY IBIBIGAY KO PO.”

Sinundan agad ito ng isang FB live na makikitang may hawak siyang lubid at isang upuan, agad na naputol ang naturang livestream dahil sa pag-labag sa safety and community guidelines ni Meta Inc. o Facebook.

Sa kasalukuyan, habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa kami nakaka-kuha ng bagong update tungkol sa kalagayan ngayon ng Grab driver.