Grab driver na bumastos kay Xyriel Manabat, lagot sa LTFRB.

Mananagot ang Grab driver na bumastos kay Xyriel Manabat.

Sasampulan ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang Grab driver na bumastos kay Xyriel Manabat.

Kung ating babalikan, sumakay o nag-booked si Xyriel sa ride hailing app na Grab noong April 7 upang makarating sa kanyang trabaho o taping. Dito na naki-usap ang driver na makipag-selfie sa aktres.

Nagulat nalang ang dating child star na ibinahagi na ng driver sa social media ang kanilang selfie pero may mga bastos, malalaswang caption at mga komento.

Nakasaad sa caption ng driver : “ang LAKI [ng dibdib] ng bata na yan.” at sinundan pa ito ng isang komento na “Jakol”.

Dito na pumalag ang LTFRB at ibinagi nila na sasampulan nila ang Grab driver at papadalhan ng ‘show cause order.

Ani ng ahensya : “Ang LTFRB [ay] magla-labas ng show cause order laban po dito sa [Grab] driver na ito.”

Dagdag pa nila : “Na-identify na po natin kung sino ‘yong driver, kung sino po ‘yong operator and within the day we will issue the necessary show cause order.”

Sa kasalukuyan, suspendido na ang naturang driver sa Grab. Maging ang LTFRB ay papatawan siya ng 30-day preventive suspension.

Ani ng Grab PH : “Upon our initial investigation, the driver-partner involved has been placed under preventive suspension. Grab affirms that such behavior constitutes a grave violation and is a bannable offense under our Driver Guidelines.”