Menu
Grab PH, nag-sorry kay Xyriel Manabat dahil sa bastos na driver.

Nag-sorry ang Grab sa aktres na si Xyriel Manabat.
Humingi ng paumanhin ang ride hailing app na Grab sa aktres na si Xyriel Manabat matapos ang insidente nang pambabastos ng driver sa aktres.
Kung ating babalikan, April 7 nagawa ni Xyriel na sumakay at mag-booked ng isang ride Grab app papunta sa kanyang trabaho o taping.
Nag-request raw sa kanya ang driver na makipag-selfie at ang larawan ay ibinahagi ng Grab driver sa social media na may kalakip na bastos o malaswang caption at komento.
Sa caption ng driver : “nagulat ako nagpapicture sa akin. xyrill manabat: kuya picture tayo bago ako bumaba. ako: sure maam wag mo lang ibenta picture ko. ang LAKI [ng dibdib] ng bata na yan.”
Sinundan pa ng komento na : “Jakol”
Agad na pumalag si Xyriel at nanawagan sa Grab na sana ay gumawa sila ng aksyon sa pambabastos sa kanya ng naturang driver.
Ani Xyriel : “I hope the platform or the app should do something about this because it’s not petty. It’s not something na any woman or anyone, not just women, should experience on a daily basis.”
Agad na nag-labas ng official statement ang Grab PH at humihingi sila ng paumanhin kay Xyriel.
Ani ng Grab : “Grab Philippines extends its sincere apology to Ms. Xyriel Manabat for the unacceptable experience she had with a driver. What was reported is deeply concerning and does not reflect the standards we uphold on the platform.”
Bahagi pa ng kanilang pahayag : “Upon our initial investigation, the driver-partner involved has been placed under preventive suspension. Grab affirms that such behavior constitutes a grave violation and is a bannable offense under our Driver Guidelines.”



