Ibinahagi ni Rovelyn Baterbonia kay Boy Abunda na ang gusto niyang gumanap bilang siya ay ang aktres na si Dimples Romana matapos binalita ni Robin Padilla na tuloy na tuloy na talaga ang Life Story Film ng kanyang anak na si Rene.
Ayon kay Robin, itinuloy na ang production ng life story ng atleta kahit na nagkaroon sila ng problema sa gastos o sa pinansyal.
Ani Robin : “Kahit ginigipit na po tayo kahit sa usaping pinansyal ng mga mapaniil na mga nagsasabing sila ay matitinong tao at pati mundo ng industriya ng entertainment ay kanilang pinupolitika. Hindi po tayo bumibitaw sa paglalahad sa pamamagitan ng pelikula ang buhay ni Rene Baterbonia.”
Dagdag pa niya : “All set na si direk bb gandanghari at mga film makers ng Mindanao.”
Rovelyn Baterbonia handpicked si Dimples Romana.
Sa programa ni Boy Abunda, dito na naitanong kay Rovelyn kung sino ang artistang gusto niyang mag-portray sa buhay niya. Agad niyang sagot ay si Dimples Romana.
Tanong ni Tito Boy : “Sino dapat ang gumanap kay Rovelyn Baterbonia [sa gagawing pelikula para kay Rene Baterbonia]?”
Sagot nito : “Si ano po.. Dimple Romasa [Dimples Romana].”
Hindi lingid sa maraming kilala ang aktres na si Dimples na magaling gumanap bilang nagluluksang ina. Kung ating babalikan nag-stand out rin ang eksena ng aktres sa Maguad Siblings Story na talagang hinangaan ng maraming netizens.




