Jay Costura shares Tarot Reading about Rene Baterbonia’s Death

Ibinahagi ng Pinoy psychic at social media personality na si Jay Costura ang kanyang tarot reading kaugnay sa pagpanaw ng anak ni Rovelyn na si Rene “Bobet” Baterbonia.

Sa isang social media post, sinabi ng psychic na may nakikita siyang mga clues, signs o indikasyon sa kanyang tarot cards tungkol sa naging dahilan kung bakit namatay si Rene.

Ani Jay : “Ang inaabangan ng lahat, naganap na ang pagtatagpo. Malinaw na ipinakita sa akin ng mga baraha ang mga pangyayari tungkol kay Rene Clert ‘Bobet’ Baterbonia.”

Inihayag rin ni Jay ang kanyang suporta kay Rovelyn, sinabi niya na nais niyang makatulong sa paghahanap ng hustisya para sa anak nitong si Rene.

Pagbabahagi ng psychic : “Ilalaban po natin ang hustisya, na isisigaw ni Rene. Maraming salamat po sa tiwala Rovelyn Baterbonia.”

Jay Costura says she will use her ability for Rene Baterbonia.

May isang matapang rin na mensahe si Costura tungkol sa kanyang intensyon na gamitin ang kanyang kakayahan o talento para sa isang layunin na pinaniniwalaan niyang tama.

Aniya : “DIKO KAYO PATATAHIMIKIN GAGAMITIN KO SA TAMA ANG KAKAYAHAN KO!!!!!! PAPUNTA PALANG TAYO SA EXCITING PART!!!”

Rovelyn continues to seek answers.

Patuloy parin na naghahanap ng mga kasagutan si Rovelyn tungkol sa sinapit ng kanyang anak.

Dahil dito, iba’t ibang pahayag at impormasyon na ang lumabas kaugnay sa kaso ni Rene na patuloy na pinag-uusapan sa social media.

Sa ngayon, hindi pa handa si Jay na ibahagi sa publiko ang kanyang nakita, kung ano ba talaga ang nangyari o ang tunay na dahilan sa pagkalunod at pagpanaw ni Rene sa Dipaculao, Aurora noong June 8, 2026.

Secret Link