Meiko Montefalco, nilinaw na si Patrick Bernardino ay nasa rehab.

Nagsalita na si Meiko Montefalco sa biglaang pagkawala ni Patrick Bernardino.

Matapos ang bali-balitang nawawala si Patrick Bernardino, nilinaw ni Meiko Montefalco na nasa rehab ang kanyang ex-husband.

Kung ating babalikan, nanawagan ang pamilya ni Patrick sa social media noong August 3 na sana’y mahanap na ang kanilang anak na isang taon nang nawawala.

Dito na naglabas ng sunod-sunod na social media posts si Meiko upang linawin na hindi missing ang kanyang dating asawa.

Ani Meiko : “He is NOT missing! Nagfile na kayo ng kaso sakin last year, nadismiss dahil walang basehan. If you want a round two, let the LAW be the judge, once again. I lost almost everything during my relationship with him.”

Pagpapatuloy pa niya : “Mula noon hanggang ngayon, mag-isa kong itinataguyod yong mga anak ko. Ako lang ngayon. MAG-ISA. Ngayong kinukuyog ako ng mundo, gagawin niyo sa akin yan kahit pinatunayan ko na sarili ko. Magkaroon kayo ng awa kahit sa mga anak ko na lang. Sa korte tayo magkita kita.”

Sinundan pa ito ng mahabang post ni Meiko kahapon August 4, dito na niya inamin na sa kasalukuyan ay nasa rehab si Patrick at ito raw ay para sa ikakabuti ng kanyang ex-husband.

Ani Meiko : “Patrick is very much alive and he is in a trusted rehabilitation center for his betterment. As a mother, I wish for him to one day face our kids as a better man and a father far from how he was before. Ayokong humarap sya sa mga anak namin na ganoon pa din syang klase nang tao. I have provided his family enough proofs of his admission to rehab. Proof of life, assertions, positive tests. Mga rason kung bakit kailangan niyang magparehab. Lahat ng ebidensyang hiningi nila sa akin noon, pinakita ko.”

Bahagi pa ng kanyang pahayag : “Durog na po ako. Marami akong kasalanan sa mundo na pinagbabayaran ko ngayon pero wag niyo naman akong durugin pa dahil kailangan ako ng mga anak ko. Ako na lang ang meron sila. Wag naman pati ako, mawala pa.”