Menu
Meiko Montefalco, nagsalita sa pagiging missing ni Patrick Bernardino.

Nagsalita si Meiko Montefalco tungkol sa balitang nawawala si Patrick Bernardino.
Nilinaw ni Meiko Montefalco na hindi missing ang kanyang ex-husband na si Patrick Bernardino matapos ang panawagan ng pamilya nito sa social media.
Ayon pa sa mga ulat, matapos maghiwalay silang dalawa nakaraang taon dahil sa third party issue ay sumabay ang biglang pagkawala ni Patrick.
Ani ng kapatid ni Patrick na si Brielle Bernardino noong July 2025 : “I am the sister of Patrick Bernardino, and I want to reach out that he is missing. He’s been missing for 19 days ever since he went somewhere away with ate meiko, when ate Meiko took you with her to the condo, we have not seen you since, due to Ate Meiko’s negligence you went missing, we are worried for you.”
Kahapon August 3, muling pinag-usapan si Patrick matapos ang panawagan ng mga mahal niya sa buhay tungkol sa kanyang pagka-wala. Isang taon na kasi ang lumipas at hindi parin nila nakikita ang dating asawa ni Meiko.
Ani ng pamilya ni Patrick : “Please help us find Patrick ..Totoo na nawawala pa din Si Patrick Bernardino, huli siyang nakita ng parent niya na si Ricardo Bernadino nung June 2025, nagpost ang kapatid niya na nawawala siya pero hindi pinaniwalaan dito sa socmed kasi galit ang mga tao that time kay Patrick at ang simpatiya ng mga tao ay nasa asawa niya.”
Dagdag pa : “Mahigit ng isang taon na nanahimik ang buong pamilya ni Patrik , isang taon na umaasa na makita na siya sana , isang taon na tahimik na nasasaktan ang kaniyang nga kamag anak sa tuwing maaalala nila sa Patrik.. Please help us find Patrik.”
Dito na nagsalita si Meiko sa social media at nilinaw na hindi nawawala si Patrick.
Ani Meiko : “YOU KNOW THE TRUTH. He is NOT missing! Nagfile na kayo ng kaso sakin last year, nadismiss dahil walang basehan. If you want a round two, let the LAW be the judge, once again. I lost almost everything during my relationship with him. Mula noon hanggang ngayon, mag-isa kong itinataguyod yong mga anak ko. Ako lang ngayon. MAG-ISA. Ngayong kinukuyog ako ng mundo, gagawin niyo sa akin yan kahit pinatunayan ko na sarili ko. Magkaroon kayo ng awa kahit sa mga anak ko na lang. Sa korte tayo magkita kita.”
Dagdag pa ni Meiko : “Bakit ngayong mahinang mahina ako, saka kayo sasabay ng ganyan kahit alam niyo naman kung anong totoong nangyari sa anak niyo? Napatunayan ko na yan sa korte. Kinampihan ako ng batas. Nagmamakaawa ako para sa mga anak ko. Nakikiusap po ako. Ako na lang meron sila. Ako na lang. Ako na lang po. Hindi ako malakas ngayon.. huwag naman para durugin pa ako ng ganito. Nagmamakaawa ako sa inyo para sa mga anak ko.. wala ho akong masamang ginawa sa inyo..”


