Patrick Bernardino, isang taon nang missing.

Nawawala at missing parin si Patrick Bernardino.

Naging usap-usapan si Patrick Bernardino matapos muling napa-balita ang kanyang pagkawala, ayon sa pamilya isang taon na siyang missing.

Hindi lingid sa marami na naging usap-usapan online ang mag-asawang sina Patrick at Meiko Montefalco dahil sa third party issue.

Matapos ang kanilang hiwalayan ay napa-balita ang biglang pagkawala ni Patrick. Ito ay ibinahagi ni Brielle Bernardino sa social media noong July, 2025.

Ani Brielle : “I am the sister of Patrick Bernardino, and I want to reach out that he is missing. He’s been missing for 19 days ever since he went somewhere away with ate meiko, when ate Meiko took you with her to the condo, we have not seen you since, due to Ate Meiko’s negligence you went missing, we are worried for you.”

Dagdag pa iya : “My siblings have been worrying, trying to find your whereabouts, my mother has been crying worrying for you, we all wish you come back home, please help us search for him.”

Ngayong araw, muling nanawagan ang pamilya Bernardino na sana ay may makakapag-turo kung nasaan na talaga si Patrick. Isang taon na kasi ang lumipas at hindi parin nila ito natatagpuan.

Ani Mabel Miranda : “Please help us find Patrick ..Totoo na nawawala pa din Si Patrick Bernardino, huli siyang nakita ng parent niya na si Ricardo Bernadino nung June 2025, nagpost ang kapatid niya na nawawala siya pero hindi pinaniwalaan dito sa socmed kasi galit ang mga tao that time kay Patrick at ang simpatiya ng mga tao ay nasa asawa niya.”

Bahagi pa ng pahayag : “Mahigit ng isang taon na nanahimik ang buong pamilya ni Patrik , isang taon na umaasa na makita na siya sana , isang taon na tahimik na nasasaktan ang kaniyang nga kamag anak sa tuwing maaalala nila sa Patrik.. Please help us find Patrik, tumulong tayo sa paghahanap sa kaniya.” Proof if Life”. Kailangan makita na si Patrik para matapos na ang paghihirap ng aming buong pamilya lalo na ang mga Parents niya.”