Pumalag si Ivana Alawi tungkol sa issue na kinakaharap nila ng Casino Plus.
Pinag-multa ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR ang Casino Plus ng isang milyon dahil sa 100 iPhones giveaway nila ni Ivana Alawi.
Hindi lingid sa marami na naging ‘national issue’ ang pa-giveaway ni Ivana ng 100 iPhones sa kanyang mga followers sa social media. Hinikayat ng vlogger na kailangan na mag-follow sa page ng Casino Plus ang gustong maka-tanggap ng naturang smartphone.
Chika ni Ivana : “Gusto talaga nila na marami ang mabigyan kaya tumulong sila [Casino Plus]. All you have to do is follow their page, kasi do’n tayo kukuha ng random followers na makakapag-uwi ng iPhone 17.”
Sa pag-dinig ng House Committee noong August 24 para sa 2027 budget ng PAGCOR, naglabas ng pahayag si Alejandro Tengco ang CEO at Chairman ng PAGCOR tungkol sa pa-giveaway na ito ni Ivana sa ilalim ng online gambling app na Casino Plus. Nilinaw nito na hindi dumaan sa approval process ang naturang pa-giveaway.
Ani Tengco : “We fined the online gaming company P1 million and, together with that, gave them a stern warning na hindi na dapat maulit ito.”
Dagdag pa niya : “Kung mauulit ito, [there will be a] heavier fine, and the possibility that it can lead… another violation can lead to the suspension and ultimately, the cancellation of their license.”
Naglabas naman ng pasaring online si Ivana sa kasagsagan ng pagdawit sa kaniya sa kontrobersiya ng online gaming promotion sa pag-dinig ng House Committee.
Ani Ivana : “Busy lang mag repack ng relief goods, Kayo po? kamusta na kaya ang flood control? Ang bilyon bilyong pondo? Habang may Pilipinong lumulubog sa baha…. Sorry, hindi kami makakalimot. Wag tayo gumawa ng ibang issue para matakpan ang mga pinaka importanteng issue. Dapat may MANGYARI. Dapat may SOLUSYON.”




