Gloc-9 faces backlash over online casino promotion

Nakatanggap ng samu’t-saring pambabatikos sa social media ang OPM Rap icon na si Gloc-9 matapos itong mag-promote ng online casino o gambling app.

Hindi lingid sa marami na malaking problema sa kasalukuyan ng ating bansa ang online casino addiction o ang labis na pagsusugal.

Marami kasi sa ating mga kababayan ang nalulong na sa online gambling kaya labis ang kanilang pagkadismaya dahil kahit ang kanilang idol na si Gloc-9 ay nanghihikayat na rin ng mga players para magsugal.

Ani ng netizen : “Andito na si Gloc 9. Wala na siyang prinsipyo.”

“Malungkot kaming mga batang paslit na binigyan mo ng maraming karunungan sa buhay at sa katagalan ay nagpasilaw ka sa salapi! May oras kapa kuya ko para dumistansya sa ganitong industriya.”

Dagdag pa ng isa : “Master gloc 9 since elementary palang Ikaw na ang naging father figure para sa akin ng rap industry , pero bakit dumating ka naman sa point na ganto.”

Agad naman na ipinagtanggol ni Makagago si Gloc-9 laban sa mga bashers nito sa social media, aniya na legal naman raw ang pino-promote ng rapper kaya walang problema.

Ani Makagago : “Ang pino-promote ni Gloc-9 ay legal. So, okay lang mag-promote. Tama? Babayad sila ng tax and all.”

Dagdag pa niya : “Ano ba ang maaaring maging problema dito? Wala, kasi if the price is right, kahit kayo, magpo-promote din kayo ng sugal. Wala ka namang ginagawa, eh. You’re just promoting.”

Share this article :