Gloc-9 breaks silence on why he endorsed an online casino

Nagsalita na ang OPM Rap icon na si Gloc-9 kung bakit niya tinanggap ang offer na mag-promote ng sugal o online gambling casino.
Kung ating babalikan, nagulat ang mga fans ng rapper matapos ipakilala si Gloc-9 ng GameZone bilang new celebrity brand ambassador ng kanilang casino o gaming platform.
Dito na siya nakatanggap ng samu’t-saring pambabatikos mula sa mga netizens.
Anila :
Nakakalungkot lang na yung talento mong nagagamit naming boses at sandigan sa mga pulitikong corrupt ay ang talento ding mag cocorrupt ng pagkatao ng mga taong nasa laylayan ng lipunan na minsang ipinaglalaban mo at inalayan ng kanta mong para sa bayan , pero ngayon ay parang hindi na magiging huwaran.
Sa sobrang daming humahanga sayo IDOL sana hindi sila mahikayat sa pino promote mo.
Agad naman na nagsalita si Gloc-9 at ibinahagi nito na sa susunod na taon ay 50 years old na siya, may karapatan naman raw siyang tumanggap ng mga trabaho matapos ang ilang dekadang serbisyo niya sa industriya.
Ani Gloc-9 : “I’ve been in the industry for, next year, 30 years. Noong nahulog sa harapan ko ang project na ito, syempre may mga time din na kino-contemplate ko siya.”
Pagpapatuloy pa niya : ‘Pero 50 years old na ako next year. I think with almost three decades na binigay ko sa industriya, I think puwede ko naman sigurong piliin kung ano ‘yong trabaho na puwede kong gawin.”
