Ipinagtanggol ni Janice de belen ang kanyang kapatid na si Gelli laban sa aktor na si Dennis Trillo sa pamamagitan ng isang cryptic post sa social media.
Nagsanga-sanga na at maraming nadamay matapos ang naging interview ni Patrick Garcia sa talent manager na si Ogie Diaz.
Kung ating babalikan, ibinahagi ni Patrick kay Ogie ang tungkol sa dating relasyon niya sa aktres na si Jennylyn Mercado. Mula sa pagbubuntis hanggang sa manganak ang aktres.
Opinyon ni Gelli de Belen.
Matapos ang 18 years, buong detalye na ibinahagi ni Patrick ang tungkol sa nakaraan nila ni Jennylyn. Dito na nagbigay ng sariling opinyon si Gelli de Belen.
Para sa kanya mas kakampi siya sa mga bata dahil sila ang number one na apektado sa issue ng kanilang mga magulang. Agad na napansin ni Dennis na mukhang one-sided raw ang naging opinyon ni Gelli.
Mas mukhang kumakampi o pumapanig pa raw ito kay Patrick. Dito na nakatanggap ang aktres ng samu’t-saring batikos sa social media.
Komento ni Dennis : “Ako lang ba o parang may kinakampihan ang mga magagaling na ito? Congrats sa new show sa GTV!!! Bagay na bagay kayo jan. [mga tae]”
Ang resbak ni Janice de Belen.
Matapos makatanggap ng samu’t-saring pambabatikos sa social media si Gelli, to the rescue naman ang kanyang ate na si Janice sa pamamagitan ng isang cryptic post online.
Napansin ng mga netizens na mukhang patama ito ng aktres para kay Dennis.
Ani Janice : “One of the strongest signs of intelligence is the ability to consider another person’s perspective without becoming defensive. Curiosity reveals a sharp mind. It shows who is committed to understanding rather than winning.”
