Gelli de Belen Speaks Out after Backlash over Patrick-Jennylyn Issue

Naglabas ng reaksyon ang aktres na si Gelli de Belen matapos itong makatanggap ng samu’t-saring pambabatikos mula sa mga netizens dahil sa naging opinyon niya sa issue nina Dennis Trillo, Patrick Garcia at Jennylyn Mercado.

Kung ating babalikan, umingay ang mundo ng social media matapos ang naging panayam ni Patrick sa Youtube show ng talent manager na si Ogie Diaz.

Ginawa raw ni Patrick ang naturang interview para matigil na ang pambabatikos sa kanyang pamilya at sa mismong anak niya na si Michelle.

Dito na ibinahagi ng dating heartthrob ang tungkol sa “past relationship” nila ni Jennylyn matapos ang 18 years. Tinawag pa niya itong ‘This is my truth‘ o ‘Side of my story‘ dahil hindi raw niya iniwan ang aktres habang ito ay buntis, mismong si Jennylyn raw ang ayaw siyang makita o iniwasan siya that time.

Gelli de Belen sa Patrick-Jennylyn issue.

Nagbigay naman si Gelli ng kanyang opinyon tungkol sa issue. Para sa kanya mas kakampi siya sa mga bata dahil sila ang number one na apektado sa issue ng kanilang mga magulang.

Marami naman sa mga netizens at maging ang aktor na si Dennis Trillo ang nakapansin na mukhang one-sided raw ang naging opinyon na ito ni Gelli, mukhang kumakampi o pumapanig pa raw ito kay Patrick. Dito na nakatanggap ang aktres ng samu’t-saring batikos sa social media.

Komento ni Dennis : “Ako lang ba o parang may kinakampihan ang mga magagaling na ito? Congrats sa new show sa GTV!!! Bagay na bagay kayo jan. [mga tae]”

Gelli sa mga bashers.

Sa isang panayam, naitanong sa aktres kung ano ang naging reaksyon niya sa kanyang mga bashers sa social media.

Tanong sa kanya : “kamusta? kinakaya mo pa ba?”

Sagot ni Gelli : “Okay naman.. okay naman kami dito.. hindi ko alam kung okay yung mga netizens HAHHAHHA hayaan mo sila..”

Secret Link