Very Strong El Niño : Up to 6,500 Deaths Projected in Philippines.

Nakikipag-tulungan na ang CCC o Climate Change Commission sa MMDA o Metropolitan Manila Development Authority para mapaghandaan ang nakakamatay na El Niño forcast na ating mararanasan simula October 2026.

Ayon sa CCC Commissioner na si Albert Dela Cruz, aabot raw sa 400 hanggang sa 6,500 ang fatalities o heat-related deaths. Partikular na makakaranas ng matinding init ang nasa city islands o urban areas na may mataas na heat index.

Ani Commissioner Dela Cruz : “It is considered to be a science-based study at meron siyang negative (-), positive (+) 400 sa 6,500 fatalities.”

Pagbabahagi pa niya : “This is being projected sa ating mga vulnerable sectors, most especially sa mga elderly, tsaka ‘yung mga young children, especially yung mga nasa school.”

Paano iligtas ang sarili sa darating na super strong El Niño?

Payo ni Dela Cruz na kailangan ay naka-manage ang paglabas mo ng bahay simula October 2026 hanggang January 2027. Umapela rin siya sa mga corporations na engaged sa labor at agricultural sector.

Isinusulong nila ang isang resolusyon para sa mga construction workers na magsimula sa trabaho ng 6am hanggang 11am tapos breaktime at magpapatuloy muli mula 3:30pm hanggang 7pm.

Ani Dela Cruz : “That way, we will be avoiding fatalities sa ating labor sector, agricultural sector..”

Dagdag pa niya : “We are appealing to the whole community, to the whole nation, na makipag-cooperate kapag nagpalabas po ang ating pamahalaan ng mga datos, polisiya. Kailangan sundin natin ito.”