Nakalabas na mula sa bilangguan si Mark Joven Olvido.
Mukhang tuloy na ang pagbabagong buhay ng ‘vape trick’ PGT Finalist na si Mark Joven Olvido matapos itong nakalaya pagkatapos ng apat na taon.
Sumikat at nakilala si Joven dahil sa pagiging contestant nito sa Season 6 ng PGT o Pilipinas Got Talent at na-uwi niya ang pagiging 3rd runner up.
Kung ating babalikan, nagulat ang mga netizens dahil sa balitang pagka-aresto kay Joven matapos itong masangkot sa ipinagbabawal na gamot noong May, 2021.

Matapos makalaya, muli na naman itong inaresto sa parehong rason, ang pagtutulak ng droga.
Ayon sa reports, nahuli si Joven matapos ang isang buy bust operation sa Sitio Maunawain, Brgy. Duhat, Sta. Cruz sa Laguna noong February 18, 2022.
Nakuha ng mga awtoridad kay Joven ang 5 sachet ng ipinagbabawal na gamot na may bigat na 12.5 grams at nagkaka-halaga ng P85,000, kasama na ang mark money na P500.
Sa araw nang pag-dakip kay Joven, siya ay nagtatrabaho bilang tricycle driver at matagal na pala itong nasa watch lists ng PDEA.
Bago naman sumapit ang pasko ngayong taon, masayang ibinahagi ni Joven sa social media na siya ay nakalaya na matapos makulong ng halos 4 years.
Masayang pagbabahagi niya : “Happy New Year Ma, sa asawa ko, anak ko. Salamat sa kulang apat na taon na sakripisyo at hirap habang nasa loob ako. Maraming salamat sa inyo. Mahal na mahal ko kayu.”
Sinundan pa niya ito ng “I’m Back!” habang siya ay nagva-vape. Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng payo kay Joven na sana raw ay mag bagong buhay na talaga ito.
Ani ng netizen : “Nako once naging adik kana sa Isang bagay, mahirap nang iwanan yan. Marami nakong kakilala na ganyan. Di ganon kabilis iwan bisyo niyan. Goodluck nalang sa new year new me niya.”
Dagdag pa ng isa : “sana nagising ka na sa katotohanan. meron ka ng platform eh. konting tyaga lng sana wag mo ng sayangin. maraming babash at mag dududa sayo pero wag un ung tignan mo. maging motibasyon sana sau ang pamilya at pagkakakulong mo upang itama at ituwid na ang susunod na landas na tatahakin mo.”




