Bongbong kay Sara : “You cannot force anyone to love you”.

Naglabas ng pahayag si President Bongbong Marcos Jr. tungkol sa mga patutsada ni VP Sara Duterte laban sa kasalukuyang administrasyon kamakailan.

Kung ating babalikan, naging maingay ang talumpati ni Sara sa Elliptical Road, Quezon City, noong September 11, nanawagan siya kay BBM na mas mabuti raw na bumaba na sa pwesto ang pangulo.

Paghamon ni Sara : “Resign, umalis ka dyan. Sinungaling ka, abusado ka, korap ka. Mga kababayan, ito ay hindi laban natin, kundi pakikipaglaban natin para sa ating mga anak.”

Dagdag pa niya : “Dahil hindi tayo tulad ng mga politiko na may mga bahay sa iba’t-ibang lugar sa mundo, na kung lumubog ang bayan, ay napakadali para sa kanila na umalis at iwanan tayong lahat dito. Iwanan ang ating mga anak.”

Agad naman na nakarating sa Pangulo ang pag-iingay ni Sara, aminado siya na hindi raw siya apektado matapos siyang hingan ng reaksyon ng media.

Ani PBBM : “I am the main target of that anger. What can I do? You cannot force anyone to love you.”

Ayon kay Marcos, siya talaga ang puntirya nang galit ni Sara ngunit hindi naman nais pa ng Pangulo na palakihin pa ang issue.

Share this article :