Alamin ang mga prediction ni Rudy Baldwin para sa taong 2026.
Muling umingay ang pangalan ng pinoy psychic na si Rudy Baldwin matapos niyang ibinahagi ang kanyang mga prediction para sa taong 2026.
Ayon kay Rudy Baldwin, maraming sikat na personalidad ang babawian ng buhay o manghihina dahil sa sakit o sakuna.
Kai Montinola
Una nang nakita ni Rudy sa kanyang vision ang pagpanaw ng PBB GEN11 4th Big Placer na si Kai Montinola, papanaw umano ang dalaga dahil sa hamon ng kalikasan.
Say ni Rudy : “Yan si Kai [Montinola]. Sya ‘yung pinakita sa vision ko, yung ikaka-ano [ikakamatay] nya ay hamon ng kalikasan, either sa lindol sya maaano.. Masawi sya doon sa ganun..”
Dagdag pa niya : “Mas maganda nang sabihin ko to sa’yo kasi sayang ka, bata mo pa kasi, malayo pa marating mo kailangan pag nag-lindol talaga wag ka mag-panic girl, calm down relax kailangan kalma ka lang para alam mo [kung ano] ang gagawin. Hindi ka mamamatay sa aksidente, hindi ka mamamatay sa sakit. Ang ikamamatay mo ang hamon ng kalikasan.”
Kim Chiu
Isa naman sa nakita ni Rudy Baldwin sa kanyang vision ay ang aktres at tv host na si Kim Chiu, ayon sa psychic na ang dalaga raw ay dahan-dahan na magkakasakit at babagsak ang katawan dahil sa stress.
Hindi lingid sa marami na may mabigat na pinagdaraanan ngayon si Kim dahil sa isinampa niyang kaso sa kanyang ate na si Lakambini.
Pagbabahagi ni Rudy : “Yung sakit kasi ni Ms. Kim Chiu kung yung stress ang nag-bigay ng sakit sa dibdib mo, kung kaya mong i-let go, kung meron naman ibibigay si Lord na kapalit dun sa problem.”
Pagpapatuloy pa niya : “Ang naging problem kay Kim Chiu para s’yang Manika , para kang dahan-dahan [na] nauupos, para kang dahan-dahan nalulumpo. Dahil sa stress at sama ng loob.”
Daniel Padilla
Sa taong 2026, nakikita ni Rudy na ang aktor na si Daniel Padilla ay magkakaroon ng pagsubok dahil sa kanyang kalusugan, lalo na kung mapapa-bayaan nito ang kanyang timbang.
Chika ni Rudy : “Daniel Padilla, mildstroke. Ang magiging problema sa kanya mildstroke kapag nag over-weight.”
Vice Ganda
Sa nakikita naman ni Rudy sa komedyanteng si Vice Ganda, nagbigay ito ng payo upang mas mag-ingat si Vice sa mga taong nakakaharap niya. Lalo na sa kanyang mga audience sa It’s Showtime.
Say ni Rudy : “Kay Vice, ingatan mo lahat ng audience na manood sayo or taong makaharap mo, meron kasi na nagpa-plano ng di maganda.”
Pahabol pa niya : “Diba may pumapasok na audience, i-check kung ano ang mga dala, kung ano nasa katawan nila, kasi naalala mo yung singer noon na kumakanta lang binaril nung obsessed, meron kang ganun, may obsessed sayo. So wag ka magalit sakin Ms. Vice ha? Mag-ingat ka na lang, ngayong 2026 meron kang stalker.”
Maris Racal
Kung may magkaka-sakit at papanaw, nakikita rin ni Rudy sa kanyang vision na may dudukutin o kikid-napin, ito raw ay ang aktres na si Maris Racal.
Ani Rudy : “Kasi sa vision ko dudukutin talaga eeh [si Maris], mag ingat nalang sya kasi ang nangyari kasi kay Maggie Dela Riva before sa kanya talaga tinuturo eeh, alam mo na gagawin mo sa sarili mo, kumuha ka ng bodyguard, wag ka basta basta magti-tiwala. Hindi mo alam ang bawat takbo ng minuto ng buhay natin.”
Kathryn Bernardo
Sa nakikita naman ni Rudy sa aktres na si Kathryn Bernardo, kailangan umanong mag-ingat ng dalaga dahil takaw raw ito sa aksidente sa taong 2026. Pinayuhan rin niya itong umiwas sa number 17.
Say ni Rudy : “Kay Ms. Kathryn Bernardo, hindi ko alam kung anong klaseng energy ang meron ka, na para bang hinahabol ka ng accident. This is not about health issue, this is about accident.”
Paglilinaw pa ni Rudy : “Number 17, possible sa flight number o araw. ‘Yun yung badluck number”.








