Rovelyn Baterbonia Clarifies ₱30 Entrance Fee at Rene’s Museum.

Matapos ma-issue ang walang katotohanang P25k TF o Talent Fee ni Rovelyn Baterbonia, usap-usapan naman ng mga netizens ang tungkol sa P30 na entrance fee sa museum ng kanyang anak na si Rene.

Agad na nilinaw ni Rovelyn ang tungkol sa issue na kumakalat sa social media na may entrance fee raw ang kanilang physical store, ang tindahan kung saan nila binibenta ang mga produkto tulad ng t-shirts, perfumes, key chains at mga larawan nila ng kanyang anak.

Ani sa post : “Rene Baterbonia store may 30pesos entrance fee? Isang customer ang nag post ng video na pinapakita na bago ka makapasok sa store ng Baterbonia collections ay kailangan mo daw muna mag bayad ng entrance fee bago kapa makapag tingin ng mga binebenta nilang memorabilia at meron din itong 15 minute time limit per person.”

Rovelyn Baterbonia inamin na may entrance fee ang museum ni Rene.

Hindi naman itinanggi ni Rovelyn ang tungkol sa P30 na entrance fee na kanilang sinisingil, pero binigyang linaw nito na hindi ang kanilang physical store o tindahan ang mayroong bayad kundi ang mismong museum ng kanyang yumaong anak.

Ani Rovelyn : “Lilinawin ko lang po ha Ang may entrance po na 30 pesos ay Ang moseum namin Hindi po yong store namin Kong papasok kayo sa mini moseum sa aking anak na c Rene Baterbonia 2.0 may entrance po na 30 pesos para sa mga mentenance po namin pro Ang lahat nang taga Talacogon na may sakop na 16 brgy ay libre po Basta taga Talacogon pro Kong taga Talacogon kayo tpos may Kasama kayong Ibang tao na Hindi taga Talacogon Norma may entrance po and sa store namin libre po walang bayad po Yan.”

Dagdag pa niya : “God bless you always mga followers and basher.”

Marami naman sa mga netizens ang pabor tungkol sa entrance fee na ito dahil hindi biro ang maintenance, electricity bills at marami pang iba.

Ani ng netizen : “Talaga naman, pati 30 pesos na maintenance fee gagawin pang malaking issue? Alam naman natin kung ano lang talaga ang layunin ng mga ‘yan—ang mang-intriga at maghanap ng anumang pwedeng ibato sa pamilya para lang sa clout at panandaliang views.”

Dagdag pa ng isa : “Dapat lang naman na may entrance ang museum ni Dong Rene,dahil may mga maintenance din yan,ang Mura lang naman nang 30 pesos oi.”