Rosmar Tan Confirms Husband Jerome Had a Vasectomy.

Calabarzon, Philippines – Masayang ibinahagi ni Rosmarie ‘Rosmar’ Tan sa social media ang tungkol sa desisyon ng kanyang asawa na si Jerome Pamulaklakin na magpa-kapon o tuluyang sumailalim sa vasectomy.

Sa kasalukuyan sila ay may tatlong anak habang naudlot naman ang pagbubuntis ni Tan ang kanilang baby no. 4 matapos nakunan. Mas lalong minahal pa raw ni Rosmar ang kanyang asawa na si Jerome dahil pinatunayan nito na kaya niyang magpa-vasectomy para lang sa kanya.

Ani Rosmar : “Mas lalo mo ako binigyan ng dahilan para mas mahalin ka Jerome Pamulaklakin. VASECTOMY DONE! Di nakakabawas ng pagkakalaki. Mas lalo ka naging macho at pogi sa paningin ko.”

Dagdag pa niya : “Nakakatuwa lang isipin na sya na ung nag kusa talaga. Actually bago mabuo sana si baby no. 4 sya nag sabi na mag papa vasectomy na sya. Pero biglang nabuntis. Ayun after ng raspa sa baby no.4 nag decide na ulit sya ituloy ang vasectomy. And finally tapos na. Sobrang awa ko sayo kanina nung ginagawa. Alam kong nasaktan ka pero kinaya mo for me.”

Pahabol pa ni Rosmar : “Actually ako gusto ko apat kasi apat kaming magkakapatid. Sayang di nabuo ung last. Talagang tatlo lang. Nathalie, Nathalia at Nathaniel.”

Rosmar Tan, nakunan sa baby no. 4.

Hindi lingid sa marami na kinumpirma ni Rosmar ang kanyang pagbubuntis sa kanyang baby no. 4 noong July 2026, malungkot naman na binawi ang kanilang kasiyahan noong August 1 matapos siyang nakunan.

Ani Rosmar : “You were only here for a moment, but you will stay in my heart forever.”

Dagdag pa niya : “Okay lang ako ano ba kayo alam nyo namang strong to.”

Secret Link