Vice Ganda, pumalag matapos laitin ang kanyang makeup look.

Hindi pinalampas ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang mga natatanggap niyang pangungutya sa kanyang balat at makeup sa social media.

Kung ating babalikan, kumalat sa social media ang isang reel mula sa naging panayam ni Vice sa Preview Ball 2026. Dito na napansin ng mga netizens ang hindi kakinisan na skin texture ng komedyante.

Chika pa ng mga netizens na mukhang may tinatagong galit diumano ang cameraman kay Vice kasi sobrang lapit ng anggulo nito sa mukha ng komedyante dahilan upang mas makita ang mga pores nito.

Sa isang episode ng It’s Showtime, dinaan sa biro ni Vice ang mga komento ng mga netizens tungkol sa kanyang mukha. Nilinaw naman ni Vhong Navarro na baka raw sa studio lightning lang ‘yun kaya ganun nalang ang rehistro ng komedyante sa camera.

Ani Vice : “Ay hindi na ako nagpapaganda. Kahit anong pagpapaganda ko, ang pangit ng skin ko doon sa TikTok.”

Sagot ni Vhong : “Sa ilaw lang ‘yon.”

Biro pa ni Vice : “Na para bang kasalanan ng makeup artist?? na kasalanan ko ngayon. Kahit anong paganda mo, bababuyin ka rin naman sa TikTok, papaganda ka pa? Sa mga nasa TikTok, congratulations! ang gaganda niyo…”

Share this article :