May panawagan si Tyronia Fowler kay Jelai Andres.
Usap-usapan sa social media ang live stream ni Tyronia Fowler matapos siyang madamay sa issue nina Jelai Andres at ng kanyang ina na si Toni.
Kung ating babalikan, muling nabuhay ang issue nina Jelai at ng ina ni Tyronia matapos muling naungkat ang pakikipag-relasyon ni Toni Fowler kay Jon Gutierrez o King Badger.
Si Jon Gutierrez ay asawa ni Jelai Andres noong panahon na pumasok sa kanilang buhay si Toni Fowler.
Sa naturang Facebook live ni Tyronia kahapon September 1, umiiyak ang anak ni Toni Fowler dahil maging siya at ang kapatid raw niya ay nakaka-tanggap na ng samu’t-saring pambabatikos mula sa mga fans ni Jelai.
Ani Tyronia : “Ano pa ba ang gusto n’yo Tita Jelai? Wala na po kaming ginagawa. Ayoko po ng ganito.. Everytime na name-mention ka, palagi silang sorry, palaging sorry so Mommy sa ‘yo. Sinasabi niyang past na ‘yun. Yun lang naman ang gusto kong i-clarify kasi bash na bash na po ako. Grabe naman na po kayo.”
Dito na nakiusap si Tyronia kay Jelai na dapat raw ay mag-sorry ito sa kanya dahil sa mga bashing na patuloy niyang natatanggap sa social media.
Pakiusap ni Tyronia : “Tina-try ko naman pong maging strong pero bakit ganyan? Tita Jelai hindi man lang po ba kayo magso-sorry sa akin? Kahit magkaroon man lang kayo ng puso para gawin ‘yun?”
Dagdag pa niya : “Pinapalaki ako ng mommy ko nang maayos kasi ayaw niyang gawin ko ‘yung mga ginawa niya sa past niya. Kasi ayaw niyang matulad ako sa kanya. Pero bakit kailangan idamay niyo po kaming mga bata?”




