Menu
Holdap prank ni Queen Money, lagot sa LTO.

May malaking issue sa latest ‘prank vlog’ ni Queen Manica Money.
Mananagot sa LTO o Land Transportation office ang taxi driver na kasabwat sa isang prank ng mga vloggers na si Queen Money at Jelai Andres.
Sa naturang content, kunwaring kinidnap at hinoldap ang kaibigan ng mga vlogger habang sakay ito ng isang pampasaherong taxi pero kalaunan ay isang birthday prank lang pala.
Makikitang bumaba ang kanilang kaibigan mula sa isang tricycle at agad na sumakay sa naka-paradang taxi.
Sa gitna ng kanilang biyahe, tumigil sa gilid ng kalsada sa edsa ang taxi at nag-anunsyo na ng holdap, dito na pumasok ang dalawang armadong lalaki. Dinala ang mga biktima sa iang bar sabay anunsyo na isa itong prank.
Play
Hindi naman nagustuhan ng LTO ang mga ganitong uri ng contents sa social media at tinatawag pa nila itong irresponsable dahil posibleng magdulot ito ng takot at pangamba sa mga pasahero.
Dahil sa content nina Queen Money at Jelai Andres, naglabas ang LTO ng ‘show cause order’ para sa driver na naging kasabwat nila at maging sa may-ari ng taxi.
Pinapapasa rin sila ng isang ‘notarized explanation’ kung bakit hindi sila magiging guilty sa administrative violations gaya na lamang ng reckless driving, hitching at pagiging improper person to operate a motor vehicle.

