Tatay Elon, kakasuhan ang bashers ni Tyronia Fowler.

Pumalag si Tatay Elon sa mga bashers ni Tyronia Fowler sa social media.

Hindi pinalampas ng biological father ni Tyronia Fowler na si Aaron Manalo o Tatay Elon ang mga bashers ng kanyang anak.

Kung ating babalikan, nanawagan si Tyronia sa kanyang ama noong September 1 habang nasa livestream na sana raw ay ipagtanggol siya ni Tatay Elon sa mga bumabatikos sa kanya.

Ani Tyronia : “Tatay Elon, iparamdam mo naman na iniisip mo ako. Ipagtanggol mo naman ‘yung panganay mo. Ipagtanggol mo naman ako, Tatay, kahit ngayon lang. Ako naman.”

Hindi lingid sa marami na naging sunod-sunod ang pambabatikos na natanggap ni Tyronia sa social media matapos muling lumitaw ang issue ng kanyang ina na si Toni Fowler kay Jelai Andres.

Agad naman na sumagot si Tatay Elon at binigyang diin na sana ay huwag idamay ang kanyang anak dahil wala raw itong kinalaman sa issue ng kanyang ina.

Ani Tatay Elon : “Ang aking anak ay Walang kinalaman sa mga isyung ito. Siya ay isang menor de edad na nararapat lamang na maprotektahan mula sa anumang uri ng paninira, pamamahiya, bullying at mapanirang pahayag o posts online. Bilang kanyang ama, responsibilidad kong pangalagaan ang kanyang kapakanan, dignidad, at katahimikan.”

Samantala, hindi parin natitigil at patuloy parin na nakakatanggap ng pambabatikos si Tyronia mula sa mga netizens, dito na pumalag si Tatay Elon at handa siyang magsampa ng kaso laban sa mga bashers.

Ani Tatay Elon : “Ayaw nyo tumigil sa anak ko ha papakitaan ko kayo ng sample ginagawa nyong biro nararamdaman ng anak ko.”

Dagdag pa niya : “Tarantado kayo ah mas tarantado ako mga g*g*! T*ng ina mo gusto mo makipag laro sakin ah! Sigi.”

Share this article :